Chapter 12(Unexpectedly)

759 13 3
                                    


Gabi,

"Ang laki ng ngiti natin ngayon ah..."

"Tita, wala to..."

"Wala?? Eh yang ngiti mo parang plaza na sa laki...alam mo Prim... kabisadong-kabisado na kita... bawat kilos mo, galaw mo... kaya alam ko may tinatago ka..."

"Sige na nga..."

"Tungkol ba yan sa love??"

"Ewan..."

"Ewan?? Ano yun??"

"Eh sa hindi ko pa nga masasabing love na yun no tita..."

"Kay Theo ba ka mo??"

"Ha?? Theo?? Ano ka ba Tita, bud' ko yun no... For sure, tatawan lang ako nun..."

"Eh sino nga..."

"Hindi ko pa kasi nakukuha yung name nya eh..."

"Naku ha, Prim... mag-iingat ka sa mga ganyan... baka mga adik yan... mga dugo-dugo gang..."

"Grabe ka naman tita... nagkausap lang kami... slight pa lang... hindi pa naman yung todo-todo na ligawan na..."

"Alam mo kasi Prim... dapat sa ating mga magaganda eh, nag-iingat... maraming mga kriminal na gumagala ngayon..."

"Sa maraming kriminal, agree ako dun... pero yung una nyong sinabi... parang hindi naman..."

"Ikaw naman, masyado kang strict... yung mga teacher nga kahit malayo na spelling may consideration pa rin..."

Nakatingin pa rin si Prim kay Tita Winwyn.

"Aba'y kailangan ko munang makilala sya... kung gwapo sya..."

"Eh kung sabihin kong gwapo, payag ka na..."

"Oo... papayag ako... na akin na lang siya..."

"Tita!!"

"Joke lang... eh dapat nga makilala ko muna siya no...dapat mangako muna sya na hindi ka nya sasaktan... sabi pa nga ang babae parang electric fan, hindi mag-iinit kung di palaging pinapaikot..."

"Talaga??"

"Teka nga, baka sobra ka lang ng kaka-assume ha... paalala ko sa yo hinay-hinay lang..."

"Tita naman o!!"

"Joke lang...matutulog na ako ha...bye."

Umalis na si Tita Winwyn pero nagulat si Prim nang bumalik ito.

"Ayaw mo na ba talagang ibigay yun sa kin??"

Napailing si Prim.

"Sayang!! Kung may pinsan yun, may kapatid, sabihin mo sa akin ha..."

"Opo may kapatid siya..."

"Talaga?? Anong year na??"

"9 years old... gusto nyo??"

Matapos makaalis ni Tita Winwyn ay nagtungo sya sa balkonahe kung saan hindi niya ine-eexpect ang makikita niya sa kapitbahay na may balkonahe rin.

"Ikaw??" sabay silang nagsalita nang lalaki.

Nakakaapat na siya ha.

"Dito ka nakatira??" Saad nilang pareho.

"Ikaw rin..." sabay parin sila.

Natawa sila pareho.

"Naramdaman mo yung kuryente kanina??" sabay uli sila.

"Ikaw rin pala..." sabi ni Prim.

"Alam mo may ibig sabihin yun..."

"Talaga?? nagsukalay kasi ako kanina kaya may dumaloy na static electricity..."

Panay sila tawanan.

"Ako nga pala si Lean... Leander Crimarco..."

"Prim... Primrose Faith Andrada..."

"Bagay sayo name mo..."

"Ikaw rin..."

Buong gabi sila nagkwentuhan. Kahit noong nakahiga na sa kama silang dalawa, naiisip pa rin nila ang isa't-isa.

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Magsisimula na ang magandang uganayan nina Lean at Prim.

Feel free to comment or vote.. :) :)

Salamat sa pagbasa!! :) :)

Hanggang sa muli guys...

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon