Matapos nilang kumain sa labas ay pinuntahan na nila ang sasakyan sa parking lot.
Pero nagkaproblema yata sila. Naglakwatsa naman yata ang driver nila Lean at naiwan ito.
Hindi alam ni Lean kung saan nakapark ang sasakyan. Kanina pa niya ito pinapa-alarm pero wala silang naririnig. Maraming sasakyan kasi sa paligid.
"Pano yan?? Mag-taxi nalang kaya tayo..." sabi ni Prim.
"Sandali lang..." sabi ni Lean at itinutok ang beeping alarm device sa ilalim ng baba niya saka ito pinindot.
Biglang tumunog ang isang sasakyan.
"Hala, magic??"
"It's not magic, it's science..." sabi ni Lean.
"Mahilig ka talaga sa science ha..."
"Palagi kasi akong nagbabasa ng encyclopedia eh..."
"Anong ginagawa mo sa mga yon at matalino ka?? Kinakain mo ba yun??"
Natawa silang pareho.
Nagulat sila nang makita ang yaya ni Lean at si Tita Winwyn na nasa labas parin.
"Hanggang ngayon, nandito parin kayo??"
"Eh ito kasi... kung anong pinagsasabi..." sabi ng yaya ni Lean, si Magnolia
"Ako talaga?? Eh yang bunganga mo nga, mas malaki pa sa crater ng Mt. Mayon..." sagot ni Tita Winwyn.
"Mauna na ko Lean..." sabi ni Prim.
"Siya na ba yung sinsabi mo ha??"
Nakipagkamay si Tita Winwyn kay Lean.
"Hoy, wag mo ngang ahasin ang alaga ko..." sigaw ni Magnolia sabay harang kay Lean.
"Wow, ako talaga ang ahas... hiyang-hiya naman ako sayo... dyan sa balat mo... parang panda tingnan mo nga, black and white..."
"Tita, tama na nga..."
"Aba'y hindi pwede... hindi ako papayag na api-apihin ako ng balyenang yan!!"
Inaawat ang dalawa pero hindi sila matigil. Sabi pa nga ni Prim, parang machine gun.
"Bahala na nga kayo dyan... magsumo wrestling pa kayo kung gusto nyo..." sabi ni Prim na nainis na kaya pumasok na sa loob.
"Ewan ko sayo yaya..." nainis na rin si Lean kaya pumasok na ito. Sumunod na naman si Magnolia na nagpahabol pa ng labas dila kay Tita Winwyn.
"Hi dad..." sabi ni Lean.
"Ano nanaman yang ginawa mo sa yaya mo at ganyan nanaman ang itsura... parang kinaladkad mula Olongapo hanggang Batanes..." sabi ng daddy niya.
"Hay naku dad, nakikipag-away nanaman sa kapitbahay..."
"Sir, yung baklitang yun kasi... yun naman ang nagsimula ng gulo eh"
"Eh ano naman ang tawag sa'yo... eh di ba ganon ka rin??"
"Sir naman eh, I'm always reminding you... I'm not a gay... I'm a woman..."
"Ok... fake woman..." sabi ng daddy ni Lean at napatawa si Lean.
"Bakit ka tumatawa ha??" sabi ni Magnolia.
"Wala lang..."
"Yung ayoko sa lahat yung pinagtatawanan ako Lean..I'm siryos..."
Mas lumakas pa ang tawa ni Lean.
"Babatukan na talaga kita..." sabi ni Magnolia.
"Oops, oops, oops... Anak ko yang babatukan mo... alalahanin mo kung anong role mo dito..." saad ni daddy Javier.
"Ninny..." sabi ni Magnolia imbes na nanny.
"Hahaha..." humaglpak na sa kakatawa si Lean.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Meet Daddy Javier and Magnolia, ang malapit sa buhay ni Lean...
Pumayag kaya sila o tumutol para kay Prim??
Feel free to vote or comment... :) :) :)
Until next time guys...
Thank you at umabot na sa thousand ang reads nito...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Roman pour AdolescentsFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..