Nakahabol pa naman sina Prim. Mabuti nalang at kahit nag-umpisa na ang production number eh medyo nasa panghuli siyang papasok. Candidate 19 siya samantalang number 2 si Irish. Naiba na kasi yung pagpair sa kanila sa pagpasok sa production number.
"Akala ko ba confident ka queen..." saad ni Venice.
"Kanina... Ba't ba kasi humabol pa yan..." inis na inis na sabi ni Irish sa dalawa.
"So, what should we do??" tanong ni Anikka.
"Alam mo Anikka, ayokong may pumapantay sa akin... alam nyo na yung gagawin girls..." sabi niya sa dalawa habang tintingnan si Tita Winwyn na inilalagay sa mga gamit ni Prim ang gown nito.Papunta itong CR.
Nabigla sina Prim at Lean nang makita ang kalagayan ng gown ni Prim. Ginawa na itong basahan.
"Tita... ito na nga ba yung sinasabi ko eh... ayoko na... ayoko na po..." saad ni Prim na nagwalk-out at agad naman siyang sinundan nina Lean at Tita Winwyn.
Mabuti nalang at naabutan nila ito.
"Prim, kailangan mong bumalik roon, naghihintay sayo sina kuya, ang daddy mo..."
"Tita, paano nga ho yan, wala na akong isusuot..."
"Alam mo, hindi naman porke ganito ako manamit eh hindi ako nagdaan sa mga scou-scouting na mga ganyan... naging boy scout ako at in fact..." binuksan ni Tita Winwyn ang likuran ng sasakyan at inilabas ang isang gown na tila mas maganda pa sa isususot sana niya.
"O, diba... sabi pa nga laging handa…"
Nagsasaya na si Irish nang malamang nag-walk out si Prim. Sa evening gown na sila magsasabay sa pagpasok.
Nagulat siya nang pagpasok niya ay nandoon si Prim. Natigilan siya dahil sa gulat. Pinalakpakan naman si Prim sa kanyang pagrampa.
Sinesenyasan si Irish nina Anikka na gumalaw naman. Tila kasi napako ito sa pagkakatayo. Nang nag-umpisa nang gumalaw si Irish,hindi niya namalayang natapakan pala ng papasok na candidate ang gown niya.Dahilan ito para matumba siya. Nagsimulang magtawanan ang lahat.
Matapos ang ilang minuto, malapit na inaabangang Q and A portion ng pageant.
"Hindi ako makakapayag na ako lang ang mapapahiya rito... hihilalain ko siya pababa..." sabi ni Irish na nag-aapoy sa galit ang mga mata.
"I know what to do queen..." sabi ni Venice sabay inalabas ang isang maliit na lalagyan na babasagin, may likido itong laman na pareho ng kulay ng tubig.
"Sa gagawin kong ito, hindi na siya makakalusot..." tumawa pa ng konti sina Anikka at Venice sabay inilagay ito sa inumin nina Prim nang walang nakakakita. Kinamusta kasi nina Prim at Tita Winwyn ang daddy at mommy nito. Si Lean naman ay kinausap sa telepono ang daddy niya.
________________________________________
A/N:
Sobra na ang galit ni Irish dahil sa nangyari sa kanya. Ano naman kaya ang masamang binabalak nila ng kanyang mean army para makaganti kay Prim? Makalusot pa kaya si Prim dito? At sino ang mag-uuwi ng crown? Abangan sa mga susunod na mga chapters...
Sorry guys kung natagalan ang pagUD nito kasi sa sobra-sobrang daming ginawa ko sa school...
Salamat sa pagbasa guys...
Hanggang sa muli....
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..