Maaga ngayong nakapasok si Prim. Nagbrown-out kasi kagabi kaya napatulog siya nang maaga. Late na rin bumalik ang kuryente.
Nakangiti niyang sinalubong ang umaga. Excited na siyang naglalakad nang harangin siya nina Venice at Anikka.
"Anong kailangan nyo??"
"Kami wala, pero ang queen meron..."
Sumulpot mula sa likuran si Irish.
"Ang lamig ngayon no... ba't di ka kaya magpainit??"
"Magpainit??"
"Girls, you know what to do..." utos ni Irish sabay hinawakan nina Venice ang dalawang kamay ni Prim at naka bantay naman ang mga alalay nila.
Kinuha ni Irish ang sapatos ni Prim.
"Anong ginagawa mo..."
"Ayan, ganda mong tingnan" sabi ni Irish habang tumatawa sa nakapaang si Prim.
Ibinigay ni Irish ang sapatos sa isa sa mga alalay.
"Ibalik mo sa kin yan.."
"Eh di kunin mo..." sabi ni Irish.
Nilalapitan ni Prim ang alalay nang patirin siya ni Irish. Binuhusan naman siya ni Anikka ng mainit na kape.
"That's what we called HOT"
Nagkamantsa ang uniform niya. Ibinilin si Prim sa isa sa mga alalay. Nauna nang pumasok sina Irish.
"Sana ako nalang si Matteo Do para mag teleport na lang ako... pinagtatawanan na ako rito...somebody help me" sabi sa isip ni Prim.
Hanggang sa makahanap siya nang tyempo.
"Isang mabilis na takbo lang ang kailangan ko... sa ngalan ni Flash at Road Runner..." huminga ng malalim si Prim sabay tumakbo at hinablot ang sapatos.
Napakamot ng ulo ang alalay.
Nakita ito ni Irish na nasa second floor. Inutusan niya ang mga alalay na habulin si Prim.
Na out balance si Prim sa may hagdanan pero hindi niya akalaing may sasalo sa kanya, si Theo.
"Thank you..." nagkatitigan silang dalawa.
Napahinto ang mga alalay ni Irish nang makita silang dalawa.
"OMG!! she's really a flirt" sabi ni Venice.
"Don't ever try to mention this to the queen or else..." sagot ni Anikka.
"Why? Maganda nga yun eh..."
"Let's go girls..." sabi ni Anikka sabay umatras silang lahat.
"Ahh.. Theo, pwedeng paki bitawan na ako.." sabi ni Prim.
"Ay, sorry..." tinulungan ni Theo si Prim na makatayo.
"Anong nangyari sa yo??" dugtong pa ni Theo.
"Wala, napagdiskitahan nanaman nina Irish..."
"Alam mo dapat, magsumbong ka na sa dean... baka sa susunod ano pang mangyari..." napansin na ni Theo na nakapaa lang si Prim.
"O, bakit ganyan ka makatingin bud' ??"
"Eh kasi naman Bud' wala kang sapatos..."
"Hawak ko po o..." sagot ni Prim.
"Ba't mo tinanggal??"
"Hindi ako, sina Irish..."
"Alam mo sobra na talaga yun..."
"Ba't ba kasi di mo nalang pagbigyan, nadadamay pa ako tuloy..." saad ni Prim.
"Ano ka ba? Wala akong gusto sa kanya no... iba yata yung type ko..."
"Sino bang type mo??"
"Ahh.. basta, wala akong nararamdaman kay Irish... that's it!!"
"Ok, sinabi mo eh..."
Takipsilim,
Papauwi na ang magkapatid.
"O, hindi mo yata kasama si Theo.. " sabi ni Dana.
"Ate, mas himala yung sayo... wala si Christian"
"Eh kasi, may kailangan pang daanan si Christian and I want to go home early now dahil mag-aaral pa ako..."
"Ano naman yung dinaanan ni Christian para hindi ka niya ihatid ngayon..."
"At kailan ka pa naging talkshow host at tinatanong mo yan..."
"Wala lang... naitanong lang naman"
Mabilis silang nakauwi sa bahay.
"Primrose..." may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Pasok ho tita..."
"Ahh... eh... nabalitaan ko yung nangyari sa iyo kanina..."
"Sino hong nagsabi sa inyo..."
"Sino pa ba..." sabi ng tita Winwyn niya.
"Talaga itong si bud' tinopak nanaman"
"Ahh, pamangkin... wis ka bang na see na kakaiba sa kilos ni Theo..."
"Ho?? Anong kakaiba??"
"I mean yung nahuhuli mo siyang nakatitog sa yo... yung mga ganun.."
"Wala pa naman ho...bakit ho??"
"Mali pala ang guess ko..."
"Anong guess tita..."
"Alam mo yung ikaw at siya..."
"Ho??" naguguluhan si Prim sa gustong iparating nito.
"Yung... siya at ikaw..."
"Tita, ba't hindi na lang ho ninyo ako diretsuhin... ano ba talagang gusto mong sabihin?"
"Lalakasan ko na ang loob ko Prim... tungkol ito kay Theo... sa inyo...." naka antay si Prim sa dugtong ng sinasabi ng tita niya.
"Yung...... friendship nyo. Alam mo kasi lahi tayo ng magaganda... so baka gusto niyang..."
"Gustong??"
"......Sleeping beauty ka na. Baka malate ka pa bukas"
"Si tita naman eh... akala ko kung ano na..."
"Go na... at para hindi ka mapuyat bukas... alam mo naman masisira ang face mo..."
____________________________________________
AUTHOR'S NOTE :
Umpisa palang yan ng mga wicked at mean plans ni Irish.
At totoo nga kaya ang hinala ng tita Winwyn tungkol kay Theo??
Thank you guys for reading this chapter.. :) :) :)
Please comment, vote, or follow me :)
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..