Umuwi na sina Prim pagkatapos ng ilang saglit na pagpapahinga. Pero tila hindi niya gusto ang sitting arrangement sa loob ng sasakyan. Sa likuran kasi, gitna si Lean at nasa kaliwa si Prim. Sa kanan nakaupo naman si Jazz na kanina pa salita ng salita. Itong si Theo nga na nakaupo sa unahan ay panay salo nalang sa mga sinasabi niya para hindi naman ito mahalata na walang gustong kumausap sa kanya. As usual, nagyayabang nanaman ang pinsan ko.
Si Lean naman ay panay tango lang kahit hindi na naiintindihan ang mga sinasabi ni Jazz. Ako nama'y nanahimik nalang sa gilid at tumungin sa labas. Inisip ko nalang na hindi ko kasama itong si Jazz.
Maya-maya pa at tila napansin kong nagsisimula nang umulan. Palakas ng palakas hanggang sa kumapal na ang mga tubig na bumubuhos.
"Ma'am... malakas na po ang ulan... mukhang biglaan yata ma'am... baka baha na ho sa daan sa kabila..." Saad ng driver na halos wala ng makita sa kapal ng mga patak.
"Eh... paano ho yan??" saad ni Theo.
Naisipan kong silipin ang cellphone ko para tawagan sina mommy. Pero walang signal na lubos kong ikinagulat!!
"Paano ngayon yan?? Aakalain nina Mommy na nakina lola pa tayo kaya baka hindi mag-alala yon... at kung mag-alala man, hindi pa rin tayo macocontact nina mommy ngayong walang signal..." sabi ni Prim.
"Eh ako nga... battery empty na" sabi ni Lean.
"So what's the plan, guys??" sabi ni Jazz na natataranta na.
"Mukhang mas may malaki ho tayong problema..." wika ng driver nila.
"Ano ho yon??" saad ni Theo.
"Naubusan na yata tayo ng gas..." sabi nito.
Napanghinaan pa ng loob ang apat. Hindi nila alam ang gagawin.
"Ma'am... may bahay ho doon... baka pwede ho tayong makatuloy hanggang tumigil ang pag-ulan" sabi ng driver nila.
"O, sige... ayos lang ba sa inyo??" saad ni Prim.
"Yeah... no choice naman..." saad ni Jazz.
Pinuntahan nila ang isang malaking bahay. Mukhang bahay-bakasyunan ang isang iyon. Agad naman silang kumatok.
Hindi naman nagtagal at may nagbukas sa kanila.
Halos mahulog ang mga mata nina Prim nang makita si Anikka.
"Anikka??" sabi ni Prim.
"O, Theo... anong ginagawa nyo rito??" saad ni Anikka.
"Ahh... naubusan kasi kami ng gas... pauwi na nga sana kami eh... lumakas pa itong ulan"
"Oo nga eh... ayon nga sa balita, bumabaha na raw??" saad ni Anikka.
"Pwede bang makatuloy, kahit ngayong gabi lang??" saad ni Theo.
"Ahh... sige, kundi ka lang malakas sa queen eh..." saad ni Anikka.
Akala ko eh... kakaririn na nitong si Anikka ang pagiging mean niya. Maswerte kami at pumayag.
"Ahh... Anikka, mag-isa ka lang pala ngayon rito??" tanong ni Theo.
"Ahh... oo, yaya, kuha mo nga sila ng tuwalya..."
"Salamat ha??" Saad ni Prim.
"Sus, wala yun no?? Hindi naman ako ganoon talaga kasama tulad ni Irish..." saad ni Anikka.
"Talaga lang ha??" bulong ni Prim.
Sabay-sabay muna silang kumain bago magpunta sa kani-kanilang kwarto. Hindi na sila nakapagcharge ng mga cellphone dahil iba ang mga charger na pwede nilang hiramin kay Anikka.
Ang hindi alam ng lahat, may parte ng bahay nina Anikka na may signal. Agad namang tumawag si Anikka sa queen niya.
"May good news ako sayo queen... nandito ngayon si Theo... kaso nga lang kasama yung mga asungot.."
"Don't worry I have a plan... basta, gawan mo nang paraan na makalayo yang si Prim kay Theo. Siguraduhin mo ring hindi siya muna aalis dyan ok??" utos ni Irish.
"Yes queen..." saad ni Anikka.
Samantala habang natutulog si Theo, hindi niya namalayan na nahulog na sa ilalim ng kama ang picture ni Prim na palagi niyang niyayakap sa pagtulog.
___________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Hindi nila akalaing sina Anikka pala ang may-ari ng bahay na iyon. Pero no choice sila kundi makituloy.
Ano kayang binabalak nina Irish??
Abangan sa mga next chapters... :) :)
Feel free to comment and vote...
Hanggang sa muli guys....
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..