Dalawang oras ang ginugol nila para makapunta sa lola at lolo ni Prim. Sayang nga lang at hindi nakasama sina Christian at Dana dahil may kailangan itong tapusin na school work.
Agad na nagmano si Prim kay Lola Ysabel at lolo Severino.
"May bago ka yatang kasama... dati-rati eh itong si Theo lang ang kasama mo..." sabi ng lola niya.
"Lola... this is Lean, classmate ko..." saad ni Prim.
"Classmate...classmate... totoo ba yon Theodoro??" Saad ng lolo ni Prim.
"Ho?? Theodore ho..."
"Ganon na din yon... englisin mo lang ng konti at pareho na..."
"Ano nga uli ang pangalan nya iha??" saad ng lola ni Prim.
"Leander po... pero nickname nya eh Lean..." sagot ni Prim.
"Ahh... Leandro" saad ng lolo ni Prim.
"Lo' Leander po, hindi po Leandro..."
"Eh ganon na din yon" sagot nito.
Si lolo Severino talaga... lahat ng pangalang pwedeng tagalugin o espanyulin eh ginagawawa niya...
"Aba'y pumasok na kayo..." yaya ni Lola Ysabel.
Nakangiting pumasok si Prim nang may bumati sa kanyang hindi niya inaasahan.
"Hi..." saad nito.
Natulala sina Prim at Theo.
"Hindi ko pa pala nababanggit sa yo Prim... pasamantala, sa amin muna titira si Jazz... bago siya uli dalhin sa America..." sabi ng lola ni Prim.
"Nice to meet you again, cous' " saad ni Jazz.
"Ako rin" napatango nalang si Prim.
"Hindi mo yata kasama si Dana??" saad ni Jazz.
"Loka-loka yata tong babaeng to eh... ano bang nakain nito?? Alam niya ba yung nangyari kina ate noong gabi?? Muntik nang maghiwalay sina Christian di pa nga sila nun noon" sabi sa isip ni Prim.
Matapos makapagpahiga at kumain,
"Ba't ganyan kumilos yan?? Pinsan nyo ba talaga yan??" saad ni Lean.
"Bakit hindi ba maganda??"
"Maganda pero parang laki sa layaw y7ng dating eh..." sagot ni Lean.
"Eh kasi, ang tatay niyan amerikano... nanay naman nya sosyalera slash feeling amerikana..." bulong ni Prim kay Lean.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Meet Jazz Andrada Robbins ang sosyalerang pinsan nina Prim at Dana...
Ano kaya ang koneksyon niya kina Christian at Dana??
Feel free to comment and vote... :) :)
Salamat sa pagbasa guys... until next time...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..