Chapter 26(Surprise)

465 9 6
                                    

Nakauwi naman na ligtas sina Prim. Yun nga lang  nalate na sila dahil sa late na nagising yung pinsan nya at saka kung anu-ano pa itong dinaanan nito. Nakuha pang mamili ng damit. Para namang may pupuntahan siyang party.Na-flat pa ang isang gulong nila nang malapit na sana sila.

Samantala, nagplano naman si Christian ng dinner sa veranda ng bahay nina Prim.

Tinatakpan ng dalawang kamay ni Christian ang mga mata ni Dana at inaalalayan sa paglalakad.

"Chris' , ano ba to??" sabi ni Dana.

"May surprise ako sayo..." sabi ni Christian sabay inalalayan sa pag-upo si Dana.

Kani-kanina pa lang dumating sina Jazz. Nagpaalam na ito sa uncle niya para kamustahin sina Dana. Nagulat naman ang mag-asawa sa pagdating ni Jazz.

Suot na ni Jazz ang damit na binili niya. Nagpunta na siya sa veranda tulad ng itinuro sa kanya ng kanyang uncle kung asan ang pinsan niya.

Eksakto namang inaalis ni Christian ang mga kamay niya sa mga mata ni Dana nang sumulpot si Jazz. Laking gulat ni Dana nang makita si Jazz.

"Ang ganda naman ng surprise mo sa akin..." saad ni Dana sabay nagwalk-out.

"Dito na muna titira ang pinsan nyo habang inaasikaso pa ng daddy yung mga papel niya para makapunta siya sa States..." saad ni daddy Oliver.

"Ano pa nga bang magagawa ko..." bulong ni Dana.

"Ahh... sya nga pala dun nga pala yung kwarto sa may bandang kaliwa..."

"Ahh... ganon ho ba?? Akala ko kasi dun pa rin ako sa dating kwarto ko..."

"Ahh... kasi Jazz, doon na yung kwarto ni Dana..." saad ni Mommy Almira.

"Kasi, doon ko na nailagay yung mga gamit ko... ang hirap pa namang maglipat... nakakahiya naman sa mga yaya nyo rito eh bisita lang ako rito..." sabi ni Jazz.

"Dana, pwede ba yun??" saad ni daddy Oliver.

"Ano pa nga ba..." saad ni Dana.

"Naku, salamat ho... salamat Dana... pano, akyat na ako..." saad ni Jazz.

"Sige..." saad ni Dana.

Nang tuluyan nang makaalis si Jazz,

"Dad... bakit ba kailangang dumito yan? Akala ko na maayos na yan doon kina Lola..." saad ni Dana.

"Eh kasi, nagpumilit na kung pwede dito muna siya dahil nabobored na raw siya dun kina lola..." saad ni Prim.

"Anong akala niya sa bahay natin... playground??" sabi ni Dana.

"Ano ka ba Dana, she's your cousin..." sabi ng daddy Oliver nila.

"Not anymore... after what she did last time..." saad ni Dana sabay walk-out.

"Ang taray ni pamangkin, full english..." saad ni Tita Winwyn.

Nagpunta naman roon si Magnolia para sunduin si Lean.

"Full engles..." saad nito.

"Eh ikaw... mukha mo full... full moon..." saad ni Tita Winwyn

"At least bwenas..." saad ni Magnolia.

"Hay naku yaya, tara na nga..." saad ni Lean sabay hinatak si Magnolia palabas.

_________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Umpisa na ng tunggalian sa pagitan nina Dana at Jazz.

Abangan ang mga susunod na mga chapters... :) :)

Hit the vote button and please comment guys... :) :)

Salamat sa pagbasa nito...

Until next time... :) :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon