I-reformat ko ang style ng pagsusulat ko, so meaning back to POV ulit ako tulad ng Dirty Little Secrets ko. :-D
_____________________________________
(THEO'S POV)Sinabi ko na nga ba eh! FRIENDZONE parin ang bagsak ko!! :-\
Masakit pero at least nagtry ako. Pero ngayon, alam ko ng wala talaga akong pag-asa sa kanya. Pero hindi ko mapigilang tumigil sa pag-iisip sa kanya. Kung nakakain na ba siya, kung ayos lang ba siya. Parang ayaw tumigil ng puso at isip ko kahit na nasaktan na. Alam kong dapat na itigil ko na to dahil sa huli ako rin ang masasaktan pero bakit ganon?? Hindi ko magawang basta-basta napang kalimutan si bud'. Inaamin ko kahit nasaktan na ako, Mahal ko parin siya...
Kaya nga eto, sa unang pagkakataon ay uminon ako ng alak. Nasa bar ako. First time ko tong gawin at hindi naman pala masama. Mukhang makakasanayan ko rin ito.
Nakatingin saakin yung sexy na waitress. Tinitingnan ko siya kaya siya lumapit bigla.
Hello handsome, wanna have some drink here?? Hahahaha... napangiti ako, konti palang pala itong naiinom ko pero parang may tama na ako.
I'll call you later!! palusot kong sinabi. Kahit paman kasi maghubad siya eh wala naman talagang effect siya sakin. Isa lang naman ang gusto ko, si Prim.
See ya later!! bulong niya sakin sabay napatawa pa ako uli. Nilapitan pa niya yung ibang customers kaya inintindi ko uli yung iniinom ko.
Biglang nag ring ang phone ko. May tumatawag.... si Prim!
Ewan ko ba at bakit na decline ko yung call niya. Dahil ba sa kalasingan ko dahil sa ayaw ko parin siyang makausap?? Ano sa tingin niyo.
(Irish's POV)
Ewan ko ba at bakit dinala ako dito sa bar ni Anikka. Kasama namin si Venice. Balak nilang painumin ako. Habit ko na rin kasi na kapag may problema ako kay Theo eh umiinom ako. Natunugan siguro nila na meron kaya nila naisipan yun.
Ayoko sana pero may nahagip ang mga mata ko sa bandang sulok. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko, si Theo!
Look who's here! Sinuswerte talaga ako ngayon... :-* nilapitan ko agad si Theo bago pa man makatanong yung dalawa.
Napansin kong umiinom siya. Nagulat ako kaya ko siya tinanong.
So, what you're doing here? Ang pinakasikat na basketball player ng university ay nandito, katabi ko. sabi ko sa kanya kaya siya napalingon.
Anong pake mo?? inis niyang sagot. Mukhang mainit ang ulo.
Si Prim? Hindi mo ba kasama?
Bakit? Nakikita mo ba siya ngayon ha?? sabay inom uli pero inawat ko na siya.
Alam mo, you don't need her...
"I do!!!" pasigaw niyang sagot.
Pero pano yan eh may Lean na siya. Di ba dapat maghanap ka na rin ng iba?? parinig ko sa kanya.
Hinding-hindi ako hahanap ng iba ha?!! Kahit putulan pa nya ako ng paa, ng daliri, kahit mamalimos pa ako sa kalsada... hinding-hindi ko siya lalayuan. Kaya pwede ba ha?? umalis kana, layuan mo ko... kung alam ko lang, baka may balak ka sakin ngayon!! sigaw niya.
*Pak!*
Dinig ng lahat ang malakas na sampal ko kay Theo.Hindi ko namalayan ang mga luhang biglang tumulo sa aking dalawang mata. Hindi ko rin akalain na nagawa ko yun kay Theo. Kasi naman siya eh!
Di ko na uli hinintay na magsalita siya at nagbalak na ako na umalis nang hawakan niya ako sa braso.
Wait!! sigaw niya sakin. Hindi ko naman malaman kung galit siya o malungkot.
Get rid of me! sagot ko at agad na kumalas sa pagkakahawak niya sabay alis ng bar.
(Back to THEO'S POV)
*Pak!*
Tila ay natauhan ako kahit konti sa lakas ng sampal niya sakin. Inaamin kong nasabi ko rin nyon dahil na siguro sa kalasingan.Wait!! sigaw ko at hinawakan ko siya sa braso.
Get rid of me! sagot niya sabay alis agad.
Hindi ko nalang siya pinansin at tinuloy ko yung pag-inom.
Pero biglang may umawat sakin, sina Anikka at Venice.
Tinawagan nila sina Mama at ipinaalam ang ginagawa ko para sunduin ako.Sumunod na araw,
Masakit ang ulo pero hindi ko alam kung bakit. Nag-unat unat ako nang biglang may kumatok. Pinatuloy ko siya. Nagulat ako nang si Christian ang nakita ko.
Ikaw pala Chris!! sabay ngiti sa kanya.
Akala ko ba hindi ka umiinom? tanong niya na takang-taka.
Alam mo naman siguro yung nangyari no?? Sabi ko sa kanya sabay bangon na sa kama.
Ha?? O_o mukha niya nang marinig ang sinabi ko.
Hindi mo pa ba alam?? Umamin na ko kay Prim. dugtong ko.
So, anong sabi niya? curious nyang tinanong sa akin.
Friendzone, ano pa ba??!! malungkot kong sabi pero may halong inis.
Natulala siya nang marinig ang mga sinabi ko.
"Pare, ayos lang yan... maging abangers ka nalang, pero kung hindi ka talaga niya gusto, suportahan mo na lang siya kung saan siya masaya" payo niya saakin habang ako nama'y nakikirinig ng mabuti.
Pssh!Hindi naman ako ganon kadesperado no! palusot ko. Pero ang totoo talaga ay hindi ako sumang-ayon. Mahal ko si Prim. Alam kong hindi ako mahal ni Prim pero hindi ako susuko. Alam kong may pag-asa pa. Baka namn sabihin nyo tanga ako pero ayos lang sakin kung anong isipin nyo, basta magmamahal parin ako. No matter she says, nandito parin ako.
Nagpaalam si Chris para uminom ng tubig. Iniwan nya muna yung libro na dala niya.
"Pssh!Hindi ko alam na nagbabasa ka pala ng ganito pare..." sabi ko sabay binuksan ang libro.
How to test if she likes you too. Nacurious tuloy ako. Sinilip ko si Chris at mukhang kausap niya si Papa kaya binasa ko na.
Try to make her jealous. Let us see kung effective talaga to. ^_^ excited na akong subukan.
Nabuhayan nanaman ako ng loob para ipagpatuloy yung nararamdaman ko kay Prim. May bago nanaman akong gustong malaman.
Dumating bigla si Chris at nagpaalam na."Una na ko pare..." sandali, yung libro niya!
Kalabog nalang ng pinto ang naabutan ko. Naisip ko rin na baka magamit ko to kaya hindi ko na siya sinundan.
______________________________________
A/N:
^_^ Maging effective naman kaya ang magiging move ni Theo? Pero paano kaya niya ito magagawa? Sana nagustuhan niyo to, reformat ko na kasi ang style. Mas madali ko kasi yung mga POV eh. :) :)Paki vote and comment po sa may mga gusto ^_^
Until next time!
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..