Chapter 34(Crown)

262 6 0
                                    

Wala namang malay si Prim nang inumin niya ang inuming nilagyan ng kung anong likido nina Venice at Anikka.

Ilang sandali pa at may napansin siya. Tila may problema siya ngayon.

Pilit siyang kinakausap ni Tita Winwyn pero puro lang siya actions. Nawalan siya ng boses at kahit konting ingay lang mula sa bibig niya. Bumubuka ang bibig niya pero walang kahit konting boses na lumalabas.

"Lagot... anong gagawin natin?? malapit nang magsimula yung Q and A…" pagpapanic ni Tita Winwyn.

"Hindi ko ho rin alam..." sagot ni Lean.

Narinig naman nilang nagtatawanan sila Irish.

"Alam, pigilan nyo ko... kakatayin ko lang yang tatlong yan...."

"Naku tita, wag na ho... magsasayang lang ho kayo ng oras..."

Dumaan pa ito sa kanila at tumawa uli na parang nakakainsulto na.

Alam nilang sina Irish ang may kinalaman sa nangyari kay Prim. Malapit pa namang magsimula ang Q and A.

"Lean, anong gagawin natin..." saad ni Tita Winwyn habang nakatitig lang si Lean sa isang maliit na whiteboard and marker.

"Mukhang alam ko na ang gagawin tita..." saad ni Lean.

Nagsimula na ang Q and A at mukhang confident na confident si Irish habang nakapose. Kitang-kita sa mukha niya ang kompiyansa na siya na ang mananalo.

Pero natigilan siya nang makitang ganoon rin si Prim. Alam niyang wala na itong boses. In fact, siya ang may kagagawan nyon. Pero bakit di man lang natatakot si Prim?

Binalewala nalang niya ito at nagfocus sa sarili niya.

Nagulat naman ang lahat ng mag-announce ang mga emcee na iba ang magiging Q and A nila dahil written ito. Isang tanong lang ang ibibigay at sabay-sabay nila itong sasagutin. Gagamit sila ng whiteboards at marker para isulat ang sagot nila at meron lang silang 5 minutes para sumagot.

Nabigla naman si Irish sa narinig. Hindi niya akalaing makakalusot parin si Prim sa huling plano nila.

Natapos ang Q and A at saka nagpunta na ang mga candidates sa backstage.

"Spell KARMA... yan ang napapala ng mga maldita..." saad ni Tita Winwyn habang pinatatamaan sina Irish.

"Akala ko ba magaganda sila?? Eh ba't kailangang mandaya pa..." saad naman ni Magnolia na pinatatamaan rin sina Irish.

At nang i-announce na pasok sina Irish at Prim sa top 3 ay agad naputol ang parininggan.

Lahat sila ay kabado sa magiging resulta. At napawalk-out nga si Irish nang malamang 1st Runner up lang siya at si Prim ang mag-uuwi ng crown. Lumabas na si Dana at ipinatong sa kapatid ang korona sabay bulong ng congrats...

Naging masaya ang gabi para kay Prim at sa buong pamilya niya.

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Sorry guys kung natagalan ang pag-UD nito...

Anyway, si Prim pa rin ang nanalo kahit na nandaya na sina Irish.

Abangan ang susunod na chapter dahil magaganap na ang pinakahihintay na pag-amin ni Theo kay Prim.. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Prim?

Maraming salamat po sa suporta ninyo..

Paki comment and vote po...

Hanggang sa muli :) :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon