Chapter7 (Lose)

879 15 0
                                    


Talo ang St. Jude University sa tournament. Malaki ang nawala sa kanila sa hindi pagdalo ni Christian sa laro.

"Pare... ano ka ba, gusto mo ba talaga kaming ipahiya ha!!" itinulak ni Theo si Christian.

"Chris' "nakita ito ni Dana.

Pinigilan naman ni Prim si Theo.

"Bud' ano ka ba!!"

"Natalo uli yung team ng dahil sa kanya..."

"Magpapaliwanag ako Theo..."

"Ano pang ipapaliwanag mo... alam mo namang napaka-importante ng larong to sa akin... sinayang mo nanaman..."

"Oo, iniwan ko yung game noon... pero nagsisi na ko... akala ko hindi ako kailangan ng team noon... na extra lang ako..."

"At ano naman ang idadahilan mo ngayon ha? Christian??"

"Bud' tumigil ka na nga!!" napasigaw si  Prim.

Natigilan ang lahat.

"Alam mo bud'... buti pa nga si Christian kahit pinigilan namin pilit paring sumama dito kasi alam niyang kailangan siya ni ate... may tumor sa utak si mommy, bud'... may tumor siya..." umiiyak na napatakbo palabas si Prim at agad naman siyang sinundan ni Theo.

Hindi aklain ni Theo na ganon ang dahilan kung bakit naiwan ni Christian ang team.

Nasa labas naman ng ospital ang kotse ni Irish. Kitang-kita niya ang pagtakbo ni Prim.

"You're so brilliant talaga queen.." sabi ni Venice.

"I told you, I will gonna ruin her life..."

"So what's the next plan queen Irish??"

"Pahinga muna ako ngayon... dahil for now... ako ang nanalo..."

Isinara ni Irish ang bintana ng sasakyan at pinaandar ito.

Lunes,

Ayaw sanang pumasok ni Prim pero pinilit siya ng daddy niya.

Iba ang araw na ito para sa kanya.

The clarion skies of life had turned into sullen. The darkness starts its reign and there will be no more stars that will twinkle...

Parang katapusan na ng mundo niya.

Hindi nga siya lumaki sa mommy niya pero still she is her mother at kahit anong gawin niya ay hindi niya mababago yun.

Ayaw niyang mawala ang mommy niya sa kanila. Ayaw na niyang maramdaman ang pakiramdam ng may mawalang mahal sa buhay, tulad nalang ng naramdaman niya ng mamatay ang lola niya. Ilang araw siyang umiiyak.

Papasok palang siya ng salubungin siya nina Irish.

"Balita namin may sakit daw si tita Almira..."

"How sad... kawawa ka naman Prim"

"Yeah... sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong namin..."

"Salamat nalang..."

Biglang dumating si Theo.

"Ano namang kailangan nyo kay Prim??"

"Wala naman kaming ginagawang masama" sabi ni Anikka.

"In fact, gusto nga namin siyang tulungan sa problema niya..."

"Tulong??kayo??" Natawa lang si Theo.

"Totoo ang sinasabi nila Bud' siya nga pala una nako..." nakasimangot na umalis si Prim sa usapan.

Tinatawag siya ni Theo pero hindi na siya  lumingon.

Gabi,

"Galit ka parin ba kay Theo?? Napapansin ko kasing iniiwasan mo siya.." sabi ng tita Winwyn niya.

"Siya kasi... may problema na nga ako... dumadagdag pa siya"

"Alam mo... hindi naman niya alam na may sakit ang mommy mo.. at saka kung alam nun siguro sasama rin siya sa ospital tulad ng ginawa ni Christian para sa ate mo..."

Tahimik lang si Prim.

"Naku, Prim... iba na yan ha?? Hindi na yan inis..."

"Tita??"

"Bakit kaba nainiis sa kanya ha??"

"Ewan... basta ayaw ko muna siyang makausap"

"Naiinis ka dahil wala siya nung kailangan mo siya tulad ng ginawa ni Christian para sa ate mo..."

"Iba naman yun tita..."

"Don't deny it Prim... nababasa ko yan sa mga mata mo..."

"Basta ho… naiinis talaga ako sa kanya..."

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

May misunderstanding ang magkaibigan!! Teka, magkaibigan nga ba??

Abangan ang mga susunod na mga chapters dahil may bagong character na papasok sa buhay ni Prim.

Please vote, comment, or follow me..

Maraming salamat for reading guys...

Until next chapter! :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon