Gabi, nagsimula nang magdatingan ang mga bisita sa party.
Ang iba ay mga kaibigan ng mga magulang nila at ang iba'y mga classmates at schoolmates nila.
Hindi makakarating ang lolo at lola nila dahil may inaasikaso ito.
Engrande ang okasyon. Maganda ang pagkakadesign ng coordinator.
Maya-maya pa at napansin ni Tita Winwyn na dumating sina Lean at yaya nitong si Magnolia. Pati rin ang mga mean girls at queen nila na si Irish. Lumabas na rin si Jazz suot ang yellow dress.
"Katapusan na ba ng mundo??" saad niya.
"Ha?? ano ba yang sinasabi mo tita??" sabi ni Prim habang inaayusan ng tita niya.
"Eh kasi nagkakalat na ang mga evil spirits eh..."
"Ikaw talaga tita..."
"O, mukhang kailangan na nating bumaba..."
"Sandali lang tita... hindi pa ko tapos..."
"Hay naku, halika kana at naghihintay na sila sa baba..."
"Mauna kana tita..."
Samantala,
"Yaya, nakita nyo ba si Christian??"
"Ahh... sinamahan ho si Jazz sa kusina..."
"Sige... sabihin mo ilabas na yung pagkain ha??"
"Opo... sige po..." sabi ng yaya at sinunod na ang utos ni Dana.
Inasikaso naman niya ang ilang bisita niya.
Ilang saglit pa at sinabi na ng emcee na pababa na ang celebrant. Nakuha nito ang lahat ng atensyon ng mga naroon.
Suot ang isang pink gown na may mga kumikinang pang mga diamond ay bumaba sa hagdan ang napakagandang si Prim. Nakanganga na nga si Lean habang inaantay na makababa si Prim.
Nagpapalakpakan ang mga taong naroon. 15th birthday palang niya ito pero pinaghandaan na talaga. Mula sa mga dekorasyon hanggang sa mga pagkaing niluto.
Ilang saglit pa at hindi pa rin nakikita ni Dana si Christian ay nagpasya na itong puntahan sa kusina.
"Ano sa tingin mo?? Masarap ba yung cake?? Pasado na ba??" saad ni Jazz habang nilulunok ni Christian ang pinatikim ni Jazz sa kanya na cake. Isa iyon sa mga cake na ilalabas.
"Ok naman... masarap sya..." sabi ni Christian nang biglang sumulpot si Dana. Agad namang nilapag ni Jazz ang hawak-hawak na slices ng cake.
"Dana... mabuti at nandito ka... itong si chef kasi, pinatikim samin yung isang cake..." saad ni Christian habang tumatango naman ang chef.
"Mabuti nga talaga at nandito ako..." saad ni Dana ng sobrang diin.
Samantala, nagkita nanaman si Magnolia at si Tita Winwyn.
"Wait for a minute... mag babanyo lang ako" saad ni Magnolia.
"Oo nga naman... magbanyo ka...you're comfortable kasi in the comfort room..." sagot ni Tita Winwyn.
"Gumalaw-galaw kanaman ha?? Baka pagkamalan kang tuod dyan"
"Wag ka nang maggagagala kasi sa pagkakaalam ko eh extinct na ang mga uri nyo na half human half gorilla..."
Samantala,
"Lean, nakita mo ba si Theo??"
"Bakit??"
"Eh kasi parang wala siya rito eh..."
"Pwede ba yun?? eh bestfriends kayo eh..." saad ni Lean.
Palingon-lingon si Prim.
"Parang nakalimutan na niya talaga??"
"Hindi naman siguro..."
Nag-announce ang emcee na may special number ang ilang guests.
Maya-maya at biglang sumulpot si Theo.
Hindi naman iyon akalain ni Prim. Ngayon lang niya ito makikitang sasayaw.
-----
"Anong lasa nong cake?? Masarap ba??" tanong ni Dana.
"A, oo naman... tinulungan ko yata si chef" sagot ni Jazz.
"Matamis ba yun??" tanong ni Dana.
"Syempre naman... hindi mo nakita?? sa unang tingin palang..." saad ni Jazz na tila iba na ang tinutukoy. Yung tinutukoy na niya ngayon eh yung pagsusubo niya ng cake kay Christian.
"Oo nga eh... kitang-kita ko nga... sobrang sweet... kulang nalang langgamin sa sobrang tamis..."
Napangiting-aso si Jazz sa nadinig.
"O sige, baka mapatay ko pa yung langgam dyan..." saad ni Jazz habang nagtataray na umalis.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:Nag-iinit na sina Dana at Jazz? Ano kayang mangyayari sa nalalapit na pageant?
Abangan sa mga susunod na mga chapters... :) :)
Salamat sa pagbasa guys...
Paki-vote naman and comment...
Thank you uli!! Hanggang sa muli...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..