Chapter 25(Picture)

421 7 1
                                    

Holiday ngayong monday. Tumigil na rin ang ulan na sobrang lakas. Tumulong na sina Prim at Lean  sa kanilang driver para maghanap ng gas. Ito namang sina Jazz at Theo,tulog pa. Hindi nila namalayan ang pagdating nina Venice at Irish.

Itinuro naman ni Anikka ang kwarto ni Theo. Madali namang binuksan ito nina Irish kahit naka-lock ito. May susi kasi si Anikka na hawak bawat kwarto ng bahay.

Kitang-kita ni Irish si Theo na tulog na tulog. Nilapitan niya ito. Hinawakan niya ang mukha nito. Maya-maya pa at nagselfie ito kasama si Theo. Pero may bigla siyang natapakan. Pinulot niya ito agad at tiningnan. Isang picture ni Prim. Dali-dali siyang umalis ng kwarto at kinausap ang dalawa.

"Bakit may picture rito ni Prim??" tanong niya.

"Baka kasi queen... kay Anikka yan..." saad ni Venice.

"Ven' si Prim ang tomboy rito hindi ako..."

"Excuse me... babae na po siya ngayon..." sabi ni Venice.

"Kung hindi sayo itong picture, ibig sabihin kay Theo ito..." sabi ni Irish.

"O my gosh!! that means, may gusto si Theo kay Prim??!!!" saad ni Venice.

"Hindi ako makakapayag..." saad ni Irish.

"Eh queen, ano naman gagawin mo??" saad ni Anikka.

Biglang pumasok uli si Irish sa kwarto ni Theo at pinagpupunit ang picture ni Prim at ikinalat sa sahig.

"Wag mong lilinisin yan ok??"

"ok!!"

"Hayaan mong makita ni Theo yan... hunanda yang Prim sa akin... I'm not done with her... nagsisimula pa lang ang laban" sabi ni Irish.

Biglang nagising si Theo kaya mabilis silang napakilos palabas ng kwarto.

Samantala,

"Ba't naman kasi pinayagan nyo pa mommy"

"Malay ko bang uulan ng ganoong kalakas??" sagot ni lola Ysabel

"Asan na kaya yung mga bata??" saad ni daddy Oliver.

"Hindi mo tinawagan si Prim??"

"Ginawa ko na po pero network busy eh..." sabi ni Daddy Oliver.

"Asan na kaya itong mga batang ito..."

Kausap naman pala ni Tita Winwyn si Prim.

"Ok ka lang ba dyan ha?? Hindi ka ba inaapi ng Anikka na yan??"

"Hindi naman po... at saka kasama ko naman po si Lean eh..."

"Si Lean?? mabuti naman..." saad ni tita Winwyn. Nang marinig ito ni Magnolia ay pilit nitong inaagaw ang phone.

"Ano ba??!! eto kasing bisugo rito eh ang gulo..."saad ni Tita Winwyn na itinataas ang phone para hindi maabot ni Magnolia.

"Wow... at ako talaga ang bisugo ha?? Hiyang-hiya naman ako sayo no??"

"Talaga... ito kasi ang tinatawag na gandang hindi inakala..."

"Gandang hindi inakala ba kamo?? Hindi bagay sayo... mas bagay sayo, gandang hindi sinasadya..."

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Kompirmado na ni Irish na gusto ni Theo si Prim. Ano naman kaya ang gagawin ni Irish para makaganti kay Prim??

Abangan sa mga susunod na mga chapters... :) :)

Feel free to comment and vote guys...

Hanggang sa muli... :) :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon