Theo's POVNatigilan ako sa mga narinig ko. Parang napako yata ako sa akong kinatatayuan at na-pipi na yata ako nang may marinig ako sa likuran.
O, Theo, nandito ka pala. Akala ko may inaasikaso ka? Boses ni Irish kaya napalingon ako sa kanya. Halos magkakasabay-sabay na kami nina Prim sa pagtingin kay Irish.
Ahh, hindi napadaan lang ako para makikumusta. Ah, sige I have to go. May kailangan pa kasi akong tapusin.
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Irish at agad na akong umalis sa eksena.
Pag uwi ko, inabutan ko si Christian na tila kanina pa naghihintay sakin.
Finally Theo, you're here! At hinintay niya talaga ako. Ano naman kaya ang sadya niya? Kung gusto niya akong balitaan tungkol kina Prim eh wag na. Baka mas lalo pang uminit yung ulo ko.
Teka nga pala, bakit wala kayo kanina ni Dana sa hospital?
Nag-aya kasing umuwi si Dana kasi masakit yung ulo niya. Eh naisipan kong dumaan na rin sayo. Paliwanag niya na napatango ako.
Ano ba kasing pinunta mo rito? Gusto mo ng tubig o juice? Alok ko sa kanya.
Wag na. Isa lang naman ang pinunta ko rito eh. May naset na akong date para samin ni Dana mamayang gabi. But, kinamusta ko siya sa daan kanina sabi niya she can't make it tonight. So, naisipan ko na bakit hindi nalang kayo ni Irish ang magdate para hindi naman masayang. Sabi niya na titig na titig sakin.
Wag na. Nakakahiya lang. Para kay Dana yun tapos mapupunta sa iba? Palusot ko.
Nahihiya ka ba talaga o ayaw mo lang makadate si Irish dahil si Prim nanaman ang nasa isip mo?
Hindi no! Hindi ko na dapat iniisip pa si Prim kasi sila na ni Lean. Ayoko na silang guluhin pa. Mabilis kong sabi. Nagtatalo ang isip at bibig ko noong mga oras na sinasabi ko iyon. Kailan man at hindi mawawala sa isip ko si Prim.
Dapat talaga eh hayaan mo na sila. Dapat eh mag move on kana! Nandiyan naman si Irish eh, mahal ka niya. Siya ang intindihin mo.
Tama ka. Ano ba to, panay ang pagsisinungaling ko. Teka, bakit ako napadukot sa bulsa ng phone ko at agad na tinawagan si Irish.
Prim's POV
Matapos madischarge si Lean, agad akong nagtungo sa school. Minabuti kong doon nalang sa canteen kumain kasama ni Irish.
Kanina ko pa siya tinitingnan. Talagang nagbago na siya. Dati-rati ayaw niyang kumakain dito, ngayon siya pa ang nag-aya!
Medyo matagal na akong naghihintay sa order ko. Si Irish halos patapos na sa kinakain niyang egg sandwich and siopao.
Tagal naman nong sayo, mag eend of the world nalang siguro eh wala pa...
Ewan ko nga ba't ang tagal! Saad ko nang biglang mag ring yung phone niya.
Excuse me ha, tumatawag si Theo ko. Tumayo siya at umalis.
Ma'am sorry po kung natagalan yung order niyo, napag utusan lang po. Sabi ng babae na lumapit sakin dala ang isang tray.
Ha? Napag-utusan? So sinadya talaga? Sino bang may motibo para gawin sakin to?
Nagulat ako sa nakalagay sa styropack pagbukas ko.
Can you be my date tonight? -cupcake
Si Lean talaga o! Agad ko siyang tinext dahil doon.
Sige ka masasad ako kapag tumanggi ka... Reply niya.
Tangek! Paalam muna tayo kina mommy at daddy.
Napasmile ako nang pumayag siya. Abot hanggang tenga yung ngiti ko. :)
Napahinto ako nang may magsalita uli. Akala ko si Irish na.
Ma'am pinapabigay po sayo...
Sabi niya sabay abot ng isang boquet of roses.Eksakto namang pabalik si Irish sa upuan niya.
Aba, aba, hanep sa surprise itong si Lean ha? Sabi niya.
Oo nga eh, Nakakainis na nga eh... Saad ko.
Ah sus! Sabihin mo gusto mo lang makipagdate! Sabi niya na binibiro-biro ako.
Ha? Date? Kami? Patay malisya ko sa mga sinabi niya.
Palusot ka pa? Eh ano yan, ha? Sabay turo ng mga labi niya sa note na sinulat ni Lean.
Sabay kaming napatawa ng walang ingay.
_________________________________
A/N :
So, dalawang date ang magaganap! Pero kanino ang naging romantic at kanino naman ang madidisgrasya?
Abangan!
Adios :)
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..