Chapter 38(QueenBeeToOrdinary?!!)

335 6 2
                                    

Walang wifi pero naghanap talaga ako ng way para makapag-update.
Sana magustuhan ninyo itong chapter na ito!! ^_^

(Prim's POV)

Mabuti naman at hindi na naging ganon kalala ang sitwasyon. Mabuti na lang at hindi nagtampo itong si Theo sakin.

Nandito kami ngayon sa mall. Sabado ngayon kaya, magsasawa kami sa paglabas-labas.

"Theo, sino nga palang hinihintay natin dito??" kanina pa kasi kami nasa labas. May hinihintay pa itong si Theo na hindi naman namin alam kung sino.

Ahh... eh... sandali lang, natraffic lang siguro yon! palusot niya saamin. Kanina pa siya hindi mapakali.

Ok! sagot ni Lean.

Maya-maya pa at may dumating na sasakyan. At mukhang ito na yung hinihintay namin. Nagmadaling lumapit dito si Theo at siya na ang bukas.

At laking gulat ko sa aking nakita! Wait! Totoo ba to? O binabangungot lang ako? Siya ba talaga tong nakikita ko? Bakit ganyan ang itsura nya?

Theo's POV

Kailangang tatagan ko ang loob ko. Ni hindi ko na nga lang sila tinitingnan eh, baka masaktan lang ako! Akala ko kasi, naka move on na ko pero hindi pa pala! Pero hindi yun dapat kasi nga may Lean na siya at meron na kong 'Rish.

Naiinis pa rin ako kay Lean kapag nakikita ko sila. Hindi pa talaga ako handang makita silang magkasama. Hindi ko kayang panoorin na nag-eenjoy ang taong mahal ko kasama ang iba. If only I can wish na sana ako nalang si Lean, sobra ang inggit ko sa kanya.

Mabuti nalang at dumating na si Irish. Excited ako na kinakabahan sa magiging reaksyon ni Prim kapag nakita niya kung sinong hinihintay ko.

Pinagbuksan ko siya at bumaba na si Irish. Pero akala ko sina Prim at Lean lang ang magugulat. Pati rin pala ako.

O_o?? mukha ko nang makita si Irish.

What's wrong babe? tanong nita sakin.

Nothing your perfect.. sabay halik sa pisngi ko.

Nilapitan niya sina Prim.

Irish? Ikaw ba yan? tanong ni Prim.

Ako to Prim!! nakangiti siyang sumagot.

Ano naman kasi ang naisipan nitong si 'Rish at biglang nagbago, from Mean to Ordinary??!!

Ordinaryo lang ang suot nya ngayon. Ibang-iba sa Irish na nakilala ko noon.

Bago pa man ako matulala ng tuluyan ay sinamantala ko na ang pagkakataon.

Guys, I like you to meet the new Irish, my girlfriend!! excited kong sinabi.

Pero napangiti pa nga si Prim sabay lapit kay Irish.

Masaya ako at naging kayo na. Alagaan mo tong bud' ko ha?? niyakap niya si Irish na parang tuwang-tuwa siya.

Don't you guys worry, I'm always here to love him... sagot naman ni Irish na nginitian rin silang dalawa.

Don't tell me na no effect ang plano ko? Pssh!! No way!! Hindi ko to ititigil hanggang sa mapansin nya!

Pumasok na kami at nauna silang naglalakad ng bahagya. Ako nama'y nakatitig sa kanilang dalawa habang nakapulupot sa braso ko si Irish na panay ang ngiti at parang nag-eenjoy pa.

Lean, selfie tayo! sabi ni Prim sabay taas ng cellphone at si Lean nama'y nagpout ng lips malapit sa pisngi ni Prim.

"Ang sweet nila diba??" tinanguan ko nalang si Irish. Biglang napatawag si Irish kay Prim kaya lumingon ito.

Nabigla ang lahat lalong-lalo na ako nang mahalikan ni Lean si Prim sa pisngi.

Sobra akong naiinis habang bumibilis ang tibok ng puso ko. Selos na yata ito! Palihim ko silang inirapan.

Mga ilang oras pa ang lumipas at nagutom na kami kaya nagpunta kami sa food court.

Pssh! Nagpasikat nanaman itong si Lean at manlilibre daw. Nagpresenta rin ako pero pinigilan na ako nina Prim. Tinanong ko nalang si Irish kung anong gusto niya.

Ahh... beefsteak nalang yung sakin babe! sagot nito kaya umorder na ako ng dalawa. Balak ko pa sanang magtagal doon sa counter. Obvious ba naman kung bakit?! Hindi naman yung pagkain ang tinitingnan ko, si Prim.

Biglang nagyaya na bumalik na sa upuan si Irish.

Irish's POV

Nagutom na ata kami kaya nagpunta na kaming food court. Beefstake ang inorder ko at ganon lang din ang pinili ng babe ko.

Babe, tingin ka sa camera at kukunan kita ng picture para wallpaper ko ha! excited kong sinasabi habang busy sa cellphone ko. Nakabalik na kami sa upuan at nandoon pa sa counter sina Prim.

Itinapat ko ang cellphone ko kay Theo at doon ko palang napansin na may titingnan siya at tila hindi niya narinig yung sinabi ko sa kanya. Nang tingnan ko kung sino yung tinitingnan niya, nalaman kong si Prim pala...

Pinigilan ko ang sarili ko na magtampo, magselos o magalit manlang. Dapat ko nang itapon ang mean girl side ko. Pero bakit hindi ko mapigilan. Lalo na nang sh*t!! May pinapatugtog sa likuran namin!

I'm not the only one pa talaga! Konti nalang at masasabunutan ko natong nagpapatugtog sa likuran namin! Itiming ba naman! Buti nalang naalala ko bigla na dapat maging mabait ako.

Hindi ko talaga maiwasang hindi maiinis lalo na kanina. Akala siguro ni Theo na hindi ko napansin na panay ang tingin niya sa bestfriend niya ha??!!!! -_- teka, teka, teka, Irish, calm down!! Hindi ka lalo magugustuhan niyan ni Theo! Para akong baliw nalang na tumango.

Itinago ko nalang yung cellphone ko nang biglang dumating sina Prim. Nakangiti sila pareho.

Pagkatapos ng ilang minuto, umorder pa si Prim ng strawberry ice cream na maliit para sa desert pero pareho kaming umayaw ni Theo. Pero kalaunan ay napakain din si Theo dahil sa pagsusubuan ng dalawa.

Ang sweet ba?? tanong ko kay Theo ng mahina. Hindi yung cake ang tinutukoy ko kundi sila Prim. Ummandar nanaman ang pagkakamean girl ko.

Oo nga eh! Dati di naman to ganito dati ha?!! sabi niya sabay napawalk-out ako. Nabigla naman silang lahat sa ginawa ko.

Sinundan naman ako ni Theo.

Babe, is there something wrong that I don't know??! sabi niya nang maabutan ako.

No! Alam mo yung mali Theo!! sabi ko sa kanya ng maluha-luha na.

Huh??Ano ba yung nagawa ko?? at denial pa talaga siya ha!

Kanina pa ako napupuno!Iniiwasan ko lang na magtaray dahil yun ang gusto mo! Pero hindi ko na kaya... yung sinabi kong sweet, sina Prim yun at Oo ka naman! sabi ko sa kanya.

Babe naman! Yung ice cream ang sinasabi ko... Hindi yung kung ano sila! Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa naniniwala na ikaw ang mahal ko? paliwanag niya na parang nakumbinsi naman ako. Ako naman kasi may kasalanan eh!

I know you Theo! Sa ilang buwan akong nagstalk sayo, alam ko kung anong ibig sabihin ng mga kilos at galaw mo! palusot ko nalang. Pero sana wag siyang magalit sakin.

Siguro ko, ito alam mo na ang meaning! Bigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko.

*gulp*gulp*

Napalunok ako. He's my first kiss. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.

Kitang-kita nina Prim at Lean ang ginawa ni Theo dahil sumugod na rin sila pero yung paghalik lang ni Theo yata ang naabutan nila sa eksena.
_____________________________________
A/N:
Sana nagustuhan niyo yung Chapter na to. Abangan niyo ang mga susunod na chapters kung magiging mabait na nga ba si Irish?!

Paki vote and comment nalang po sa may gusto! ^_^

jagbyeol!!

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon