Chapter 13(Campus Sweetheart)

820 10 0
                                    

"Mukha mo parang ice cream... rocky road ang flavor!!"

"Mukha ka talagang barbie"

"Talaga??"

"Maganda nga, plastik naman!!"

"At least inamin mong maganda ako..."

"Maganda ba kamo?? Saang banda?? Sa talampakan??"

"Alam mo kamukha mo si Barbie Forteza kapag nakaharap ka sa kanan... si Julia Montes sa kaliwa... "

"Eh sa harap??"

"Mukhang Sen. Franklin Drilon eh..."

Umagang-umaga ay maingay sa labas. May kaaway si Tita Winwyn. Yung kapitbahay nila. Mukahang kamag-anak pa yata nina Lean.

Sumisilip-silip pa si Prim kung nanadoon pa si Lean.

"Hoy Prim... sino pang hinahanap mo dyan sa kapitbahay...halikana...mala-late pa tayo nyan eh..."

Kahit na nakaalis na ang mga bata ay panay pa rin ang away ng dalawa.

Hindi inakala ni Prim na sasalubungin siya ni Theo pagdating nya sa school.

Ang mga busy na mga schoolmate niya ay nakuha niya ang buong atensyon.

Yung isa, naibuhos pa yung dalang kape sa ulo ng katabi.

All were engrossed by her scintillating beauty. The world stops and the sprinkles of magic was flying with the wind.

She totally differs from what she is before.

Pati si Theo ay napanganga. Hindi nya akalaing ang tough girl noon, isa na ngayong beautiful princess.

Tanging hi lang ang nasabi niya nang mapadaan ito sa harapan niya.

10 am, may Music class pa sila. Classmate sila ni Prim sa klaseng iyon. Pagkaupo niya, nakita niyang nandoon na si Prim. Sa harapan ni Theo ang upuan nito.

Pasilip-silip si Theo kay Prim. Hanggang ngayon, hindi pa ito lumilingon para kausapin siya.

Bigla itong tinawag ng professor nila para tumugtog ng gitara. Ito na ang pagkakataon ni Theo para makita ang mukha ni Prim.

Pero bigla itong binawi ng professor nila. May mas una pa daw sa kanya. Hindi pa tapos ang ang kumkanta nang tumunog ang bell. Time na.

Pinaghandaan niya ang pagtayo ni Prim. Nang magsimula na itong tumayo, tinawag ito ng professor nila. Sila nalang tatlo ang naroon nang senyasan siya ng prof nila na lumabas dahil hindi naman daw siya kasama.

Ilang minuto siyang naghintay. Nakatulog na siya sa may pinto dahil sa pagod.

Maya-maya pa at lumabas na sina Prim.

Ginigising siya ni Prim pero hindi siya magising.

"Theo... Theo... gising... Theo.." inaalog ni Prim si Theo.

"Ms. Andrada, you are now needed at the rehearsal..." sabi ng professor nila.

"Sige ho, andyan na..." napilitan nalang umalis si Prim.

Ilang minuto ang nakalipas, hindi namalayan ni Theo na nauntog na ang ulo niya sa bakal na basurahan habang natutulog. Doon lamang siya nagising.

Nagulat siya nang makitang bukas na ang pinto, excited siyang pumasok sa room pero wala na siyang naabutan.

_________________________________________

AUTHOR'S NOTE :

Ang dating astig girl ng campus ay biglang naging campus sweetheart na! Nagkakagusto na kaya si Theo sa bud' niya??

Pero pano yan eh parang ganoon rin ang nararamdaman ni Prim kay Lean??

Salamat sa pagbasa!! :) :) :)

Feel free to vote or comment...

Until next chapters!! :) :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon