Chapter 5(Tumor)

1.2K 17 0
                                    

"Ang saya natin ngayon ha bud' " sabi ni Prim habang drinidribble ang bola.

"Galing kasi ako sa meeting kanina... next week na daw yung basketball tournament..."

"Astig yun ha??!! Makakapaglaro ka na..." excited si Prim pero bigla yatang sumimangot si Theo..

"Bud'...." sabi ni Prim pero unresponsive ito.

"Theodore Dwight Rodriquez...."

"Ha??" gulat ito sa pagbanggit ni Prim sa buo niyang pangalan.

"Eh ikaw naman kasi... kanina excited ka tapos bigla ka nalang sumimangot dyan.."

"Iniisip kasi kita..."

Natulala si Prim... hindi niya alam kung anong isasagot sa mga sinabi ng bud' niya.

"Iniisip... ako???"

"Oo, ikaw... eh diba hindi ka naman pwedeng makasali sa team..."

"Yun ba, ok lang yan... at least makikita kitang maglalaro... itumba mo na lang kalaban para sa akin..."

"Pero..."

"Manonood ako... kami ni ate..."

"Ahh... Prim... may isa pa akong gustong sabihin sa iyo..."

"Bud'... ano ka ba sabihin mo na.. "

"Ahh kasi... kulang yung nagqualified sa team ngayon then suggestion ni coach na maghanap ako... then naisip ko kung pwede sanang maglaro si Christian??"

"Ha? Yun? Ba't ako tinatanong mo??Ba't di mo tanungin si ate o siya mismo... sabihin mo sa kanya..."

"Please tulungan mo ko... I need your help bud' "

"Maiiwan ba naman kita sa ere?? Sige punta tayo sa bahay, maya-maya... sigurado akong magkasama yun..."

"Salamat bud' "

Napa-apir ang dalawa.

Samantala,

"Hospital?? Queen Irish anong ginagawa nyo dyan??" sabi ni Anikka sa kabilang linya.

"Sinamahan ko kasi si Venice na dalawin yung lola niya... Hindi ka ba pupunta?"

"Eh kasi...my uncle had just arrived this morning from Spain... sorry I can't join now"

"Ok... sabihin ko nalang kay Venice."

"Thank you Queen Irish.."

"Your welcome..." ibinaba ni Irish ang phone na tila naiinis.

"So ano, ganun na lang yun, hahayaan niya akong mag-isa rito...asan na kasi si Venice..." sabi ni Irish.

Maya-maya pa at dumating na si Venice na hingal na hingal.

"Sorry Queen Irish... ayaw kasi akong payagan ni lola na umalis sa tabi niya."

"So, ganon lang paghihintayin mo ko dito??"

"It's not like that Queen Irish..."

"You know already my rules... do it now..."

"Pero Queen..."

"Ayaw mo??"

"No... eto na... gagawin na po..." gamit ang damit ni Venice ay pinunasan niya ang sapatos ni Irish.

"Ingatan mo yan... mahal ang pagkakabili ko nyan sa Sweden."

Patuloy sa paglilinis si Venice nang biglang tadyakan siya ni Irish.

"Palalampasin ko to for now... Follow me..."

May sinundan silang babaeng naparaan kanina. Isusugod ito sa ospital na iyon.

Sa room 301 sila napadpad.

"Queen, anong meron..??"

"Yung nanay ni Prim yung nakita ko..."

"Almir-Al-Almira?? Yun ba yung pangalan nun??"

"Exactly..."

"Ba't siya kaya nandito....Ay sya nga pala, nagtext sa akin yung pinsan ko, tuloy na raw yung tournament nila next week.."

"Good... masosolo ko na si Theo..."

"Ahh pano kung manood yun... for sure manonood yun..."

Napatingin si Irish sa pintuan.

"I think meron na akong plano para masira siya kay Theo."

Biglang may dumaan na isang nurse.

"Ah.. nurse, pwede ho bang magtanong??"

"O sige ba??"

"Kayo ho ba yung naka-assigned rito??"

"Ako nga?? Bakit?? Kaano-ano ninyo amg pasyente.. "

"Ahh... kaibigan namin ang anak niya... ano hong nangyari sa kanya..."

"Nawalan ng malay... pero bago ho yun sabi ng driver eh sumakit daw nang sobra yung ulo ng pasyente..."

"Pwede ba naming malaman kung may test na ginawa na sa kanya??"

"Sa pagkakaalam ko po... meron na... a couple of weeks na ata... kung gusto niyo, puntahan nyo nalang si Doc Fajardo para sa clarification... excuse me..."

Sa bahay nina Dana,

"So ano pare... pawag ka na ba??"

"Gusto ko sana pero alam mo naman yung nangyari sa akin noon diba?? Isang buwan akong hindi nakalakad non...matapos akong bugbugin ng kabilang team"

"Alam mo pare... tapos na yun... at saka matagal ka nang pinatawad ni coach sa pagiging spy mo sa team..."

"Christian... " sabi ni Dana.

"Ano??"

"Ayaw mo bang makita kitang naglalaro??"

"Ha??"

"O, pano ba yan pare... tatlo kami... isa ka lang..."

"Pumayag ka na kasi Christian... don't worry susuportahan kanamin ni ate..."

"Sige na nga... i'm in!!!" sabi ni Christian.

Napayakap si Dana kay Christian pagkatapos.

Sa ospital, hinanap nina Irish si Doc Fajardo.

"Ahh doc, kamusta po ang lagay ni tita Almira??"

"Didiretsuhin ko na kayo mga iha... may tumor sa utak si Mrs. Andrada...yun ang dahilan kung minsan eh nahihilo siya bigla."

Nagkatitigan ang dalawa.

"So what's the plan queen??"sabi ni Venice habang sinasara ang pinto.

"Next week, pag nagtext ako sa iyo... ipadeliver mo sa bahay nila Prim... i-address mo sa tatay nila."

"Ano ito??" sabi ni Venice.

"That?? Isang malaking pasabog ko kay Prim na tiyak na ikakatuwa niya..."

"Ang brilliant mo talaga queen Irish..."

"Whatever... ngayon lang uli ako makakaganti sa kanya..."

____________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

First of all, I am so sorry guys na ngayon lang ako nakapag-udpate... na busy kasi..

Anyway, ano kaya ang plano ni Irish? At ano kaya ang magiging reaksyon ng magkapatid kapag nalaman nilang may malalang sakit ang mommy nila?

Free to comment, vote, or follow me... :) :)

Enjoy reding guys... until next time! :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon