Halos lumipad na si Prim sa sobrang late. 9 am ang kanyang Nat Sci. Laging galit pa naman ang professor nila sa naturang subject, si Mr. Lazaro. Laging nagsasalubong ang mga kilay nito.
Tiyak sangkaterba nanaman na sermon ang aabutin niya. Panay na ang dasal niya na hindi sana mangyari iyon. Sa pagkakaalala niya, noong huling nakatanggap siya ng sermon ay halos mabingi na siya. Talo pa yata ang megaphone sa lakas.
Nagsusulat sa whiteboard ang professor nila nang dumating siya. Agad siyang kumilos papunta sa upuan niya para hindi siya mahalata.
Nasagi niya ang gamit nang katabi niya. Nahulog ang mga ito. Hindi kasi siya sanay na may nakaupo roon. Wala kasing umuupo roon.
Agad siyang tumulong sa pagpulot ng mga ito. Nagkabanggaan naman sila ng may-ari. Ayos na sana nang bigla silang makaramdam ng kuryenteng bigla nalang dumaloy sa kamay nila nang magdikit ito nang biglaan. Nagkatinginan ang dalawa.
Hindi akalin ni Prim kung sino ang nakita niya. Yung lalaking naka skateboard nun.
Ibig sabihin, magiging classmate nya ito??
Ang sweet naman ng ngiti nito. Hindi siya makakurap. Inalalayan siya nito patayo.
"Ms. Andrada??" nagtatawag na pala ang professor nila.
"Sir??"
"Ano ang sagot sa tanong na nakasulat sa whiteboard??"
"I don't know sir... hindi ko po alam yun??"
"Late ka na nga, hindi ko pa po alam..."
"Ahh... sir..." nagtaas ng kamay ang bagong katabi ni Prim.
"Sige nga... what's the answer... dahil sa bago ka rito??"
"Ice sir..."
"Impressive... nice answer from a transferee..."
Anong magagawa ni Prim, eh music ang paborito niya. Hindi nya alam kung saan gawa ang rings ng Saturn. Mukhang matalino itong bagong katabi niya.
Dahil doon ay tila napahanga si Prim. Panay ang titig niya habang nasa gitna ng talakayan at nagsusulat siya
Kaya naman naisipan ni Prim na tingnan ang ID nito ng hindi nahahalata. Pero parang may gusto rin itong tinggnan sa kanya.
Nang mahirapan, nagsulat siya sa scratch paper at nilagay sa arm chair nito.
Agad naman itong binasa.
Naaalala mo ba ko??
kaya naman napatitig uli ito sa mukha niya.
Parang bumbagal ang takbo ng oras nila hanggang sa marinig nilang magsalita ang professor.
"Hanggang kailan kayo magtitigan?? Ha??"
Napangiti lang sila pareho.
Naging mabilis na ang oras matapos. Hindi na namalayan kung gano ito kabilis.
Pagkatapos ng klase, nawala bigla ang lalaki. Umuwi na siguro. Pero maaga pa naman ha??
Habang naghihintay sa kanyang sundo, pilit pa rin niyang inaalala ang itsura nito. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla nalang itong pumapasok sa isipan niya.
Ilang sandali pa at nakarinig siya ng ingay ng sasakyan. Dumaan ito sa may putikan at tumalsik ito sa saya nya.
"Oops, I'm sorry Prim..."
"Sorry..."
Nagtatawanan pa sina Irish na umalis sakay ng magarang sasakyan nito.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Panira ng moment ang mean!!
Anyway, makikilala na ang lalaki sa susunod na chapter... :) :) :)
Feel free to vote and comment...
Until next time. Salamat sa pagbasa!!
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..