Sa Cr,
"Alam mo... ang dapat sa mga exotic at endangered species na katulad mo... kinukulong sa Manila Zoo..." saad ni Anikka sabay nilublob sa tubig ang pangit na babaeng lumapit kanina kay Theo.
"Dah... try mo nga kayang humarap sa salamin at baka matakot ka sa sarili mo at pagkamalan mong tuod" saad ni Venice.
"Sa susunod... you better watch out..." sabi ni Irish at inulublob uli ni Anikka ang babae.
Pinabantayan ni Irish sa mga alalay nila ang babae para hindi ito makalabas.
Hapon, nasa leave for sickness ang professor nila sa History kaya buong hapong wala silang pasok.
Nag-aya si Theo ng basketball.
"Hay naku... dun sa Lean ka galit pero yung bola pinagdidiskitahan mo..." inabutan ni Christian si Theo na gigil na gigil sa pagshoot ng bola na hindi naman pumapasok sa ring.
Nagdribble uli si Theo at nagshoot pero wala parin.
"Tsk... tsk... alam mo Theo... simple lang kasi yang problema mo eh... ba't di ka nalang kasi umamin sa kanya..." sabi ni Christian na inagaw ang bola at nagshoot at pumasok naman ito.
"Tingnan mo... nakapasok... ganon...kasimple. Alam mo naman siguro yung famous line na ang love parang basketball...kung duwag kang tumira, maagaw at maagaw sayo ang bola..."
"Ibig ba nong sabihin eh, dapat umamin na ako??" sagot ni Theo.
"Ganito lang kasi yan eh... letter A... umamin ka, pwede maging kayo, pwede kang mabasted... letter B... tumahimik ka... basted kana agad!!" sabi ni Christian.
"Pano yan eh sa tuwing nakikita ko sya... parang mahihimatay ako..."
"Normal lang yan... lakasan mong loob mo, tandaan mo yung sinabi ko..."
"Paghahandaan ko yang sinabi mo..."
Sa bahay nina Prim,
"Alam mo ba yang Magnolia na yan... may patext-text pa... akala naman niya bagay sa kanya pangalan niya, bagay sa kanya hindi Magnolia... Selecta..." sabi ni Tita Winwyn.
"Tita Magnolia ho... as in flower..." sabi ni Prim.
"O sige, ibahin na lang natin Mongolia...mas bagay sa kanya..."
"Mongolia?? Diba bansa yun??"
"Oo... bagay nga eh... Monggol naman kasi sya..."
Biglang dumating si Dana.
"O, ano namang problema at ganyan ang mukha mo tita..."
"Ate... kasi tungkol nanaman kay Mongolia... este Magnolia" sabi ni Prim.
"Naku tita... wag mo munang problemahin yun at wala naman siyang ginagawa sayo..." saad ni Dana.
"Anong wala?? Nilait-lait nya ako ha?? Baka nakalimutan nyong beauty queen rin ako??"
"Weh?? Di nga??"
"Oo nga..."
"Parang di naman..."
"Anong sinabi mo??"
"Ahh... wala ho, sabi ko maganda kayo..."
"Alam ko na yan..." saad ni Tita Winwyn.
___________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Makinig ka Theo kay Christian..
Feel free to comment and vote guys...
Salamat sa suporta at umabot na ito sa thousand... :) :) :)
Hanggang sa huli wattys.... :) :)
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Ficção AdolescenteFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..