Lean's POVBiglang dumating si Jazz. May kasama siya,kamukha niya. Parang xerox copy lang sila. Niyakap ng mahigpit ni Tito ang babae. Doon ko lang malaman na kapatid ito ni Tito, nanay siya ni Jazz.
Habang kinakausap ng babae si Tito, si Jazz naman ay lumapit kay Dana.
Nagtitigan sila ng ilang segundo at biglang niyakap ni Jazz si Helena at dinamayan sa pag-iyak.
Kitang-kita ko sa mga mata ni Jazz ang lungkot sa pagkawala ni cupcake. Alam kong hindi siya umaarte. Totoong malungkot siya. Naging kontrabida man siya eh hindi naman niya gustong magkaganito ang pangyayari. Sabi pa nga, pamilya pa rin hanggang sa huli.Si daddy ang nagbabantay kay Tita. Kasalukuyang under examine si Tita dahil wala parin siyang Malay hanggang ngayon.
Ako naman, lumakad palayo. Dahan-dahan kahit mabibigat ang mga hakbang. Parang gusto kong sumama kung saan man pupunta si cupcake.
Hindi ba ganon naman talaga? Kahit saan, susundan mo parin ang taong mahal mo kahit sa kabilang buhay pa.
Malalaking luha ang mabilis na tumulo sa mukha ko. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. Siguro matatagalan bago ko mataggap na wala na si Prim.
---
Iminulat ko ang aking mga mata. Nadidinig ko pa rin ang lagaslas ng tubig, ang bulong ng hanging malamig para bang dinuduyan ako sa mga alaala ng kahapon.
Oo, sariwa pa sakin kahit ilang araw na ang nakalipas. Parang kani-kanina palang nangyari ang lahat.
Maya-maya pa, nakita ko bigla ang aking sarili kasama si Prim habang tinatanong ko siya kung pwede ko ba siyang ligawan.
Napatingin siya sakin sabay ngiti. Matagal naring hindi ko nakikita ang matatamis niyang ngiti.
Mula noong nabangga ko siya habang naka skateboard ako. Hanggang sa una ko siyang maisayaw.
Nagulat ako ng biglang maglaho na parang hanging ang imahe.
Senyales ito na hindi ko parin siya makalimutan. Mahirap talaga makalimot ang pusong umiibig.Biglang may dumapo sa kamay ko na paru-paro. Kulay itim at dilaw ito. Kahit ginagalaw-galaw ko na ang aking kamay ay hindi pa rin siya umaalis. Para bang tinititigan nya ko.
Naalala ko tuloy uli si Prim. Kung nandito sana siya, ikatutuwa niya ito.
Teka! Sandali! May naalala ako bigla!
Ipinikit ko uli ang dalawa kong mata at may sinabi sa isip. Matapos ang ilang segundo pinalipad ko ang paru-paro at doon na ito lumipad. Sinundan ko siya ng tingin.
Bigla akong nakaramdam ng malamig na hanging papalapit sakin.
Unti-unti akong napalingon at nakita ko si Prim!
Ha? Prim?!!!
Sobra akong nabigla. Nakangiti siya sakin.
Teka totoo ka ba? Totoo bang nasa harapan kita?
Oo naman. Hindi ako matatahimik hanggat di nagiging maayos ang lahat.
Ha? Anong ibig mong sabihin?
Alam kong nalulungkot ka parin sa pagkawala ko. Pero wala na tayong magagawa, ito na ang tadhana ko.
Pero bakit nakikita pa kita? Hindi ba ...
Oo, patay na nga ko. Pero hindi ako makaalis sa mundong ito hanggat hindi ko nakikita ng maayos na ang lahat ng iiwan ko.
Sinubukan ko siyang hawakan pero totoo nga ang sinasabi niya, Isa nalang siyang kaluluwa!
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..