Library ang tungo ni Prim. Kailangabn niyangagresearch tungkol sa report niya sa Nat Sci. Para sa kanya, hindi basta naka pagserch kana sa internet eh hindi kana maghahanap ng ibang refernces.
Kasama niya si Theo sa pagreresearch. Panay naman ang hanap niya nang libro habang panay naman ang kopya ni Theo.
Isang libro ang nakuha ni Prim na tila kumpleto ang nilalaman.
Magkaharap silang nagbabasa sa isang mesa. Panay na tingin ni Prim sa mga pahina nito samantalang walang imik namang kumokopya sa libro na isa si Theo. Hanggang sa isang bagay ang hindi inaasahang makita ni Prim. Hindi niya akalain iyon. Kapirasong papel. Nabigla siya sa nabasa. Hindi niya alam kung papaano ba siya magrereact dito. Marami na siyang napapanood na ganitong pangyayari pero hindi niya akalaing pati siya ay makakaranas nito. Iba talaga ang feeling na nasa sitwasyon ka niya.Natigilan siya. Inalala niya yung mga nangyari sa resort. Kung saan pinatago niya iyon kay Theo at nang hanapin niya ito ay nawala na raw.
Napatingin siya kay Theo habang nagsusulat ito. Hindi nito namamalayan na tinitingnan siya ni Prim. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Theo para sa kanya.
Ilang segundo pa at napansin na ni Theo na wala na si Prim, pero may iniwan itong note sa kanya. Nakita niya ang kapirasong papel na ikinabigla niya. Iyon yung may flames ng pangalan ni Prim at Lean kung saan siya nagflames ng pangalan nila. May nakasulat sa ilalim.
"Mag-usap tayo... hihintayin kita sa labas..." ayon sa nabasa niya.
Napahinga siya ng malalim.Kailangan na niyang magtapat pero kinakabahan naman siyang ma-friendzone siya. Ano bang dapat gawin niya??
Buong loob niyang napagdesisyunan na harapin si Prim at umamin rito.
Nakita niya sa isang hallway na nakaupo si Prim. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Ang laki ng kaba niya. Alam niya ang sitwasyon niya. Alam niyang mas higit sa kanya si Lean...pero bakit gusto pa niya itong ipaglaban? Hindi niya alam kung bakit sinasabi ng puso niya na lumaban siya kahit na sinasabi ng utak niya na wala na siyang pag-asa. Naalala niya ang payo sa kanya ni Christian na kung mahal mo ang isang tao, sabihin mo ang nararamdaman mo siya kanya. Pwede kang tanggapin o mabasted. Kesa naman sa hindi ka umamin, sa umpisa palang basted ka na agad.Tumayo si Prim at tumingin sa kanya saka nagsalita.
"Kailan pa to? Bakit wala kang balak sabihin sakin yan??" saad nito.
"Kilala mo ko Prim. Mula ulo hanggang paa. " paliwanag niya.
"So, kailan pa nga yan??" sabi ni Prim.
"Mga ilang linggo na rin..." saad ni Theo.
May nabuhay na katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Bakit wala kang balak sabihin sakin..." saad ni Prim.
"Alam ko namang wala akong pag-asa sayo, Prim. Kaya kung pwede... hayaan mo nalang akong mahalin ka... kahit hindi ka ganon sakin, pwede ba..." malungkot na sinabi ni Theo.
Napabuntong-hinga si Prim. Nalilito siya. Mahal niya si Lean pero ayaw naman niyang saktan itong si Theo. Magkaibigan sila simula ng bata. Hindi niya nalang basta-basta kakalimutan yung pagkakaibigan nilang dalawa.
"Prim...prim..." sabi sa kanya ni Theo.
"Oo, inaamin ko... si Lean ang mahal ko..." saad ni Prim.
"Alam ko naman yun simula palang..." saad naman ni Theo na napayuko sa sinagot.
"Alam mo naman pala eh... ba't ganon..." sabi ni Prim.
"Prim, hindi natuturuan ang puso... Hindi ka pwedeng mamili kung sino ang mamahalin mo. Yang puso mo ang magsasabi sayo. Kaya nga kahit alam kong masasaktan lang ako... wala akong choice kundi ang mahalin ka..." tumulo na ang luha ni Theo.
"Bud' mahal ko si Lean, importante siya saakin... ikaw... kaibigan kita, kailangan din kita..."
"Hindi naman kita pinapipili sa aming dalawa. Ang gusto ko lang eh walang magbago satin pagkatapos nito... nakikiusap ako sayo... hayaan mo nalang akong mahalin ka...." saad ni Theo sabay umiiyak na umalis.
Alam ni Prim kung gaano kasakit ang pakiramdam ngayon ni Theo. Kung pwede nga lang daw umibig ang tao sa dalawa, gagawin niya. Huwag lang niya makitang nasasaktan mg ganon si Theo. Sana ay ayos lang daw si Theo. Sana daw ay maging Ok pa sila pagkatapos nito.
______________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Friendzone!! :( :( Kawawa naman si Theo... Sinong nakaranas narin ng ganito??Paki comment and vote po...
Sorry po kung natagalan ang pag UD nito, nabusy po kasi ako sa school eh...
Anyway, salamat po sa mga sumusuporta nito at iba ko rin pong mga kwento..
Abangan nyo po kung magiging maayos ang ugnayan nina Prim at Theo matapos ang pag-amin...
Salamat po sa pagbasa...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Novela JuvenilFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..