Prim's POVMALALAKI at mabibigat ang mga hakbang ko papasok ng pintunan. Inabutan kong nagbabasa si Jazz ng libro.
Aba't akalain mo yun? May time pa pala si Jazz sa pagbababasa? Nakakapanibago siyang tingnan.
Didiretso sana ako at hindi ko nalang siya sana papansinin pero bigla siyang nagsalita.
'Ang arte! Parang sino namang kagandahan! Hay, wala talagang forever!'
My face becomes :-! Ako ba ang kausap niya? Ako ba yung tinutukoy niyang maarte? At dinamay pa si forever ha! Teka, mabigyan nga to ng sample!
'Akala ko wala talagang permanente sa mundo, pero nagkamali pala ako...pang Forever yang bitterness mo teh!'
Bigla siyang napalingon sakin.
'Hindi ako bitter no! Binabasa ko lang yung lines sa libro...'Omg! Oo nga pala at may binabasa siya, nakalimutan ko! Ahmm... mag-isip ka ng palusot! Bilis!
'Ah eh, kuan kasi... lines yun sa drama namin??!' May hinga pa yong kasama sa dulo ah!
'Ahh, Akala ko ako!' Sabi niya sabay alis sa kinauupuan niya.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paghakbang nang makarinig ako ng may tila papasok ng bahay.
'At ano naman ang ginagawa mo rito ha?!' sabi ko kay Lean na siya palang papasok.
'Let me explain...' sabi niya na alam ko namang seryoso siya dahil nakikita ko sa mukha niya.
'Explainin mo mukha mo!' Sabi ko ng may diin. Hindi ko nga siya pinagsalita uli eh.
'Alam mo naman siguro yung palabas dito no...' ani ko sabay walk out.
Teka, ba't nga ba ganito ako katigas?
Kasi naman ikaw ba naman tutukan ng baril tapos sasabihin na joke lang? Eh pano kung may sakit ako sa puso? Tapos inatake ako, tapos dinala ako sa ospital, at saka mamatay ako?Wait,wait, wait, Masyado akong naapektuhan eh! Bakit pagkamatay na agad nasa isip ko? Gusto ko na ba? Wag naman po sana! Marami pa akong gustong gawin.
Ganito lang talaga siguro pag mahal mo ang isang tao. Mabigat sa feelings.
Pero pramis ha! Sa susunod hindi na ako aarte! Ako ko naman doon lang magtapos ang lahat no! Basta, ewan! Hindi ko maintindihan! Sana siya nalang umintindi sakin.
Kinagabihan,
Bigla nalang akong nakarinig ng tatlong katok sa pinto. Wala sana akong balak buksan ang pinto pero narinig ko ang boses ni mommy.
'Anak, kumain kana. Nalilipasan kana ng gutom...' sabi niya na may halong pag-aalala.
Agad akong napabangon ng kama at nanalamin ng mabilis. Pero may bigla akong napansin sa mga mata ko. Parang hindi lang ako basta nakatulog kanina. Nakatulog ako dahil sa sobrang pag-iyak. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang bumukas na ang pinto.
Si mommy raw ang nagbukas dahil ang tagal ko. May dala kasi siyang food tray. Laman nito ang mga favorite kong pagkain.
'Pinaghanda na kita ng mamakain. Hindi ka kasi bumaba kanina.' Ani mommy.
'Si mommy talaga. Wag na po kayong mag-alala, nakatulog lang po ako kanina.' Sabi ni ko.
'O, bakit ka umiiyak?'
'Mommy... Wala naman eh!' Salad ko.
'Kilala kita anak, alam ko umiyak ka... dahil ba kay Lean?'
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..