"O, Prim... ready kana ba??"
"O-po" sagot ni Prim.
Kung ano-anong clinic ang pinuntahan nila. Kung ano-anong beauty products rin ang binili ni Tita Winwyn.
Nagpunta rin sila mall. Pinamili siya ng ate niya ng mga damit.
"Sukatin mo nga..." binigay sa kanya ang damit na kulay pink.
Napatingin si Prim sa fitting room.
Male.
Female.
Napangiti siya. Sa pambabae siya pumasok.
Napanganga sina Dana paglabas ni Prim. Hindi nila akalain ang magiging ganoon kaganda si Prim. Bagay na bagay sa kanya ang damit.
"Ok lang ho ba?? kasi parang masikip ng konti..."
"Ayos nga eh... ganda mong tingnan...Tanggalin mo na yan at marami pa tayong iikutin" sabi ng tita Winwyn niya.
Habang nagbibihis siya sa fitting room, biglang tumawag sa kanya si Theo.
"Napatawag ka??"
"Bud' sorry na... galit ka pa ba sakin??"
"Sino ba namang hindi magagalit..."
"Kaya nga kita tinawagan eh..."
"O sige na... bati na tayo... pero wag mo nang uulitin yun ha??"
"Promise bud' "
Ibinaba ni Prim ang phone niya at minadali ang pagbihis pagkatapos.
Samantala,
"Malaki yata ang ngiti natin dyan ha??" sabi ni Christian.
"Maliban kasi sayo eh... pinatawad na rin ako ni bud'…"
"Ba't ba kasi concern ka ??"
"Sayang naman yung friendship namin eh..."
"Friendship?? Baka naman iba yan ha??"
"Loko ka talaga..."
"Hindi, seryoso lang... maganda ba si Prim sa tingin mo??"
"Oo naman no..."
"Eh kung ligawan mo kaya siya??"
"Ano kaba... "
"Hindi nga... halimbawa lang..."
"Hindi naman magpapaligaw yun eh... sigurado ako..."
Habang nagsho-shoot ng bola si Theo ay napangiti siya. Napansin iyon ni Christian.
"Pare, alam mo... iba ang nakikita ko sa'yo..."
"Nagsho-shoot lang bola, iba na agad..."
"Maniwala ka... ganyan din ako dati kay Dana..."
Matapos ang pamimili nila, agad silang umuwi para subukan ito kay Prim.
"Ano ba tong surpresa nyo sakin anak..." saad ng mommy nila
"Hay naku ate Almira... basta... hindi mo ito aakalain..." sabi ni Tita Winwyn.
"At siguradong magugulat ho kayo ni daddy..."
"Talaga??"tanong ng daddy nila habang papaupo sa sofa.
"Asan na si Prim?? Akala nyo kasama nyo sya sa mall??"
"Yes mommy..." bumaba si Prim suot ang pink na damit na nakapagtulala sa kanilang lahat.
"Prim??" sabi ng daddy niya.
"Anak, may sakit ka ba?? Gusto mo dalhin ka na namin sa ospital??" saad ng mommy niya.
"Nagkaganyan lang, ospital agad??"
"Eh kasi..."
"Mommy, don't worry, napagdesisyon na po ako... kailangan kong kumilos kung ano talaga ako..."
Niyakap siya ng mommy at daddy niya. Yumakap na rin ang ate niya.
"Ano pang ginagawa ko rito, di syempre makikuhug na rin ako... alangan namang i-hug ko sarili ko... para naman akong nasa mental nun..."
Nagtawan ang lahat.
"Teka tita.. may nakakalimutan ka yata..."
"Ano yun?"
Ibinulong nalang ni Dana ang sasabihin niya.
Heels lang pala.
Pinalakad nila si Prim sa labas habang naka-heels.
May mga taong nagbubuhat ng gamit. May bagong lipat yata.
Muntik-muntikan na siyang matapilok.
"Ang hirap palang maging babae talaga..."bulong niya.
Ilang sandali pa, isang lalaki ang bumunggo sa kanya. Sakay ito ng isang skateboard. Matutumba na sana si Prim at mababangga ng isang tricycle nang masalo siya nito. Nagkatinginan silang dalawa.May kung anong pwersang tumutulak sa kanila. Napangiti pa si Prim. Gwapo ito para sa kanya. Nag-eenjoy yata siya nang...
Biglang may umubo. Si tita Winwyn.
Tumayo si Prim bigla at lumakad uli papunta sa tita niya.
Nagtinginan sila sa mga mata ng kanyang tita habang papalis naman ang lalake.
Tila nag-uusap sila ng kanyang tita sa pamamagitan ng mata.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
May bagong character sa story!! Sino kaya siya sa buhay ni Prim??
Abangan sa next chapters... :) :)
Feel free to comment, vote, or follow me guys...
Until next chapters, thank you sa pagbasa!!
:) :)
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..