"𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐎"

15 4 1
                                    

"𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐎"

- - - - - - ꨄ︎
Hindi malaman kung hanggang saan ito,
Kung nasaan ang dulo
o kaya'y saan ang katapusan nito.

Tila baga, isa akong paa na hindi mapakali.
Paroo't parito— hindi maglagi.
O marahil kaya ay isa ka sa naging mitsa
Upang mag-apoy ang isipang nais mamahinga?

Napapaso ako sa sakit,
Puso ko'y naninikip subalit...
Nais ko munang lunukin ang pait.

Naniniwala akong may pag-asa pa.
Naniniwala akong sa simula pa lamang ng ating pahina,
Ikaw ang dahilan ng pagiging— bagong ako.
Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito—
Na muli ay tatapos dahil sa nasimulang bago.

Lumisan akong may kinikimkim na hapdi.
Humimlay sa tabi habang puso ay muling tinatahi.

Sa bagong pahina marahil ng sarili kong aklat.
Bagong ako ang nais kong muling mabuklat.
Ilang beses mang mamilipit at umiyak sa sakit,
Nais ko pa ring mahanap ang permanenteng ako sa kabila ng lahat.

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon