natatawa habang pinagmamasdan

14 2 0
                                    

natatawa habang pinagmamasdan
sa paanong paraan ikaw ang naging tahanan
tila apoy kung sumunog sa puso
nagliliyab ang damdaming paulit-ulit na binigo

ilang beses ko nang pinaalalahanan dati-rati ang sarili
sa lalim ng aking karagatan ay walang sinumang maaaring sumisid
nang hinayaan ka'y iyong sinilo

gamit ang kakaibang kasiyahang iyong ipinangako
bumanayad ang alon at sa iyong pagmamahal ay sumuko
ngunit bakit ganito?
ngayo'y nasasaktan ako

natatawa habang luha'y naglalandas
panandalian lamang pala ang iyong pagkabighani
matapos niyo'y pumaitaas ka't nagpapagaspas
ipinabatid sa lahat na sa mahika ko kaya ika'y nawili't nanatili

natatawa habang humahagulhol
kung sana'y nakikita ko lamang ang mga bituin, buwan, at mga burol
ipapanalangin sa bawat bathala
na sana'y sa una pa lamang iniwasan ka na't hindi na nagpagambala.

nagsisisi ngunit patuloy (kang) minamahal.

KeideMorena

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon