Puro Imahinasyon

41 2 0
                                    

Masasabi kong kaisa mo rin ako noon.
Hindi ko malaman kung ganoon talaga habang lumilipas ang panahon—
O sadyang pinaglipasan na ako ng taon.

Naaalala ko pa ang mga panahong tila akong tanga.
Nakatunghay sa bintana habang nananaginip ng nakanganga.
Bitbit ay ngiting hindi mapawi sa labi,
Dahil sa pusong tila kinikiliti.
Isipan ay puro alaala niya,
Kung paanong bakit tiyan ko'y pinipilit sa saya.

Lahat na marahil ng pantasya'y akin ng inasam.
Na baka sakaling kinabukasa'y maaaring maging katotohanan.

Hanggang sa isang araw ay nagising na tulala.
Mata ay hilam ng luhang hindi mapatda.
Ganito pala kahapdi ang puso matapos ang saya.
Tila ba hininga'y mapupugto mayamaya.

Wala palang katotohanan ang nakikita sa telebisyon
Lalo't sa pantasya lamang nilikha —puro imahinasyon.

BRUHANGMEOW ~

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon