𝐏𝐀𝐑𝐀𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍

37 5 0
                                    

𝐏𝐀𝐑𝐀𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍

Kasalukuyang tangan ang isipan sa kawalan,
Laman ang imahe ng paralumang aking napupusuan.
Sa una'y ayaw kong kumibo
Nabato-balani ang pusong iyong sinilo.

Maski ako ay nababahala,
Baka nabibigla lamang o kaya'y nagpapaniwala.
May minsan ngang napaisip bigla,
Kung pagtingin ko ba sa iyo ay mahahalata.

Ilang araw akong nag-isip,
Ipagtatapat ko ba o pananatilihin ang pananahimik.
Alam kong ako'y tinamaan talaga.
Dahil maski sa panaginip ay ikaw ang isinisigaw ng kaluluwa.
Kapiling at kasayaw ka,
Gamit ang musikang puso ko ang lumikha.

Maraming humahanga sa iyo.
Pilit na kinukuha ang atensyon mo.
Paraluman din ang nais nilang itawag sa'yo.

Naisin ko mang itago ka,
Ipagdamot o kaya'y pagbawalan sila.

Subalit, paano kung—
Sa ibang yakap mo pala nais makulong?

- - - - -

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon