Palagay ko'y pahinto na ang pag-ikot ng oras
Basa na ang mga posporong
sikap na hindi mahamuganAng langit ay padilim na
Papikit na ang mata
Kanin ay hindi na manguya pa
Nagtatanggalang paisa-isa
ang ngiping kay tiyagang sipilyuhanNaglalagasan ang mga dahon
sa matatayog na puno
Ramdam na ng likhang-lupa
ang paparating na tagtuyot
Pipigaing muli ang bunot
maghahanap ng tubig;
dito noon ay malayang nanunuotIsang ikot ng oras
Isang pirasong kandila
Isang hugot na paghinga
Matatapos na.
Matatapos na.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...