Pasado alas onse, nagmumuni-muni.Pinakikinggan ang ugong ng elektrikpan at miminsang tutulala sa kisame.
Marami na ang nangyari,
Minsa'y mahirap ng tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang tama at mali.Matapang na ang isipan sa bawat pagdaan ng taon
Subalit nananatiling kay daling tibagin ng pader — ng pusong 'sing nipis na ng papel.Isa nga pala akong tagahabi
Isusulat na lamang marahil sa kuwaderno ang inyong bawat pighati.Aalamin at sisisirin ang kailaliman ng inyong katauhan,
Hanggang sa kusang kumalas sa aking harapan ang itinatagong itinatanging kayamanan.Kung sisiyasatin ng matang mapanuri,
Nakakasindak isipin na sa likod ng isipan— ay utak na may mga matang hindi mapakali.B.M.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
شِعرMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...