Ang Misteryo Ng Gabi

28 3 0
                                    

Napakarami na ng ating napuntahan.
Napag-usapan ang mga bagay na hindi dapat pagtuunan.
Tila paglalakbay na walang paroroonan—
Walang direksyong nakatumbok kundi puro kasiyahan.

Tila baga ako'y nasa malawak na kapatagan.
Pilit inaabot ang maparusang sikat sa kalangitan.
Sapagkat sa tuwing pagkapuwing ko sa  iyong liwanag,
Ngiti sa labi ko ang agad na masasaksihan.

Naisip kong ipagdamot ka.
Mga mata kasi nila'y ikaw lamang ang nakikita.
Nais kong sa bawat hakbang ko ng aking mga paa,
Ikaw ang paroroonan at wala ng iba.

Nakalimot ako!
May gabi pala.
Kung saan sa muling paggising mo sa umaga'y—
Kumupas na ang misteryo ng gabing iyong ginambala.

-ANG MISTERYO NG GABI-
   ni:  B R U H A N G M E O W

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon