Ang Iskultor At Ang Rosas

28 5 2
                                    

Ikaw
Ang aking kanbas.
Ako
Ang iskultor na lililok ng mga rosas sa bawat bahagi ng iyong balat.

Habang dinadama ang bawat sulok ng iyong pigura,
Sa malamyos na tugtugin ay isasayaw kita.

Banayad na idadampi sa buod ng rosas ang daliring lumililok ng ligaya
Matapos ay magpapahinga kung kapusin ng hininga.

Banayad na idadampi sa buod ng rosas ang daliring lumililok ng ligayaMatapos ay magpapahinga kung kapusin ng hininga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang halimuyak ng nagniningning na rosas sa iyong hardin ay mapupuna,
Paparoon upang pagurin ang mata...

Ilang minuto'y pumatak ang ulan.
Sumilong sa kung saan—
Napakaganda!
Kung paanong dumaloy ang bawat patak sa talulot na tila ay nauuhaw noon pa.

B.M.

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon