Itinadhana Ngunit Hindi Itinakda

13 4 7
                                    

Ilang beses ko ng nasaksihan ito
Isang uri ng pag-ibig na pagdadaupin ang mga puso—
Ngunit sa huli ay may maiiwang bigo.

Subalit bakit kung kailan madalas nang mangyari
Hindi pa rin nagiging madali?

Dahil isang araw ako mismo ang nakasaksi
Mismong aking puso ang taya
Pangakuang puno ng ligaya't tuwa
Puro matatamis na salita
Ngiti na saksi ang buwan at mga tala.

Maraming beses kong naramdaman,
Naranasan ang kakaibang kasiyahan.
Subalit gaya ng buwan at araw,
Nakatakda marahil sa ibang layunin—
Ang nakakabit sa ating ilaw;

Kahit ilang beses man nating subukan
Pag daupin ang dati'y puno ng kapusukan
Hindi na muling magniningas ang lamparang—
Kay tagal nang hindi nasindihan.

ITINADHANA NGUNIT HINDI ITINAKDA
by:  BRUHANGMEOW
----
Requested

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon