𝗥𝗢𝗦𝗔𝗦

62 6 1
                                    


Tangkay ng rosas
ay nais hawakan
Ngunit tinik doo'y
nagpaparamihan.

Tila baga
pagtingin ko sa iyo
Taglay mong ganda'y
nakakahipnotismo
Subalit sa tuwing lalapit ako'y
siyang paglayo mo
Natatakot na sa pagdantay ng daliri
ay masugatan lamang ito.

Kailangan ng sakripisyo ang pag-ibig
Pasakit at pagkabigo
ang madalas na kalakip


Kung nais mong abutin ang rosas
Siguraduhing walang tinik sa paligid
Ganunpaman,
Ang bawat rosas ay nalalanta
Naglalaho ang bango't ganda
Nasa iyo na,
Kung tatanggapin mo pa ba?

𝗕𝗥𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚𝗠𝗘𝗢𝗪  ~

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon