Miminsan ay ninanais na lamang na pagmasdan— kung paanong mahulog ang talulot ng bulaklak sa paahan. Tila ba naiwan ng tagapag-alaga kaya ang ganda'y unti-unting nawawala.
Kung paanong sa bawat pagkalanta nito'y may kung anong lungkot sa kaniya'y lumalambongIlang beses nang sinubukan na ito'y diligan, pasikatan ng araw at pikit-matang alagaan. Ngunit dumarating sa puntong sa bawat subok, ay mas nais na lamang na hayaan itong hindi lumaban. Laman ng isipan, "Para saan pa? Kung maski ito'y hindi na makitaan pa ng pag-asa?"
Gayon pa ma'y may kakaibang nananaig. Ang pag-asang marahil sa paggising ay matibay na ito't umuusbong ng masigasig.
Alam ng bagong tagapag-alaga, na sa mga susunod na araw ay kailangan niya itong iwan sa nararapat nitong tahanan. Bagaman, sa muli, sa malayo na lamang niya itong mapagmamasdan dahil alam niyang sa kaniyang mga kamay, kailanman ay hindi niya ito maaalagaan.
BRUHANGMEOW
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...