Pinipilit hilahin ang sarili
Pinipilit solusyonan ang hindi mawari
Mga katanunga'y pinag-iisipan nang maigiAko'y nawawala
Nasaan ho ba ang daan tungo sa hindi mahanap na salita
Pilit hinuhukay ang tunay na katauhan
Mga hadlang lamang ay nariyan upang ako'y pigilanNgayo'y naguguluhan
Tila lahat ay wala ng patutunguhan
Isinisigaw ng kaluluwa na tayo'y pakawalanSa kabila ng agam-agam
Naroon ang pag-asang liwanag ay muling mabubuksan
At kadiliman sa iglap ay mawawakasan.—
𝗕𝗥𝗨𝗛𝗔 ♡
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoesiaMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...