Ang Paroparo

70 4 0
                                    


Paroparo ay kay saya
Sa bulaklak na mahalimuyak ay laging naroon siya.

Kumakanta at sumasayaw sa talulot nitong kay ganda,
Hindi mapawi ang saya,
Ang puso'y wala ng hihilingin pa.

Isang araw, dumating ang bagyo
Kawawang bulaklak inanod ang bango
Nalanta at nadurog,
Paroparo'y nanlumo.

Wala ng mas hihigit pa sa hatid nitong ligaya.
Wala ng mas sasakit pa sa mapait na alaala.

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon