Noo'y naiwika kong malalangoy rin kita
Sa una, nais kong suyurin ka na muna ng aking mga mata
Pagmasdan ang nangingislap at nakahahalina mong hiwagaTama pala talaga—
Nakalulunod ang humangaHindi mo kasi sinabi kung paano ka dapat languyin
Kung gaano kalalim ang kailangan kong sisirinSinubukan ko na ang gumawa ng bangka
Ngunit patawad kong kinakapos na kaagad ng hininga
O sadyang ang kalaliman mo'y ayaw mong ipakilala?Ilang digmaan na rin ang aking sinukuan
Marahil mula sa mga nakaraang karahasan
Idinuduyan ako palayo ng makukulimlim na katanunganKakayanin ko pa kayang muli?
Kung sa bawat hakbang ng paa'y alon mong tila palaging handa
Na ianod at ilayo ang tila gumagambalang panibagong basura.JustKeide | 091224
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoesíaMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...