Habang tumatagal tila bagyong hindi maampat ang kakaibang lungkot,
Mga pawis ng butil na sa mata lamang umaagos,
Pusong lugmok na paulit-ulit inaanod---
Sa Ilog na walang hangganan kung kailan matatapos.Taliwas ng kanilang sigaw at kani-kaniyang pagluluksa,
Multo mo ay yakap sa kabila ng iyong pagkawala.Tangan sa bawat pagdadalamhati
Ang init ng bisig mo't banayad na dampi ng labi...
Dahil kahit sa panaginip,
nakakaraan natin ay patuloy na pinagtatagpi.Hanggang sa,
Marahil tuluyang makita ang dulo ng luha na madalas kong pinapawi.[Interacting as KeideMorena]
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...