Hindi Alintana

127 9 0
                                    

Isang umagang nakita kita
Nakangiti ng malapad;
hindi kaagad napuna
Ang lungkot sa likod ng labing nakakurba

Isang hapon nasilayan kitang muli
Nakatingin sa dalawang taong magkaakap sa tabi
Ang ngiti at pagkainggit ay hindi mawari
Walang nakaaalam na ika'y nalulunod sa hapdi

Mga luhang hindi alintana ng iba
Sa akin ika'y nakahahalina
Hindi mo madama—
Sa iba marahil nakapinid ang iyong luhaang mata


𝗕𝗥𝗨𝗛𝗔

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon