Pakiwari ko'y guguho ang natitira
Isang pagkakamali ko'y kaagad na mapupuna
Paano kung mapagod ako't nais munang mamahinga?Gustong mapag-isa o kaya'y magnilay-nilay
Walang balakid na kailangang isipin
At buo pa ring babalik sa tahanang nakasanayanNakakatawa.
Pakiwari ko'y maglalaho silang tila bula
Kahit sa bawat pakiwari ko'y mas lamang ang pakiramdam na— mapagod lamang ako't dagsain ng alalahanin, alam kong bibitaw sila sa pagkakakapit.Gayunpaman, sige lang
Ituloy natin ang laban
Ang mahalaga ay ipinaglabanKeideMorena
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoesiaMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...