NOON

42 5 0
                                    

Ang paglipas nang ilang taon ay ang paglipas man din ng mga alaala.
May ibang nananatili sa tabi at ang iba'y may sarili ng mga pamilya.
May nakalimot,
Mayroon nariyan lamang palagi at palihim na sumusuporta.

May mapait at masamang karanasan.
May sumaya at kakaibang pinagdaanan.
Kapag magkita-kita'y bigla na lamang mapapasigaw,
"Malaki ang pinagbago raw"

Nakakatuwang balikan ang kahapon.
Subalit, ang minsang nasa isipan—
Ay kung may nakakaalala ba na naroon ako't kasama nila noon.

NOON
-BRUHANGMEOW-

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon