Subalit At Talento

33 2 0
                                    

Narito akong muli upang isalaysay ang tila walang hanggan kong kalungkutan.
Tila baga ako'y iniluwal lamang sa mundo upang makaranas ng kasakitan.

Subalit sa kaibuturan ng puso ko—
Alam kong ang lahat ng pagdadalamhati'y may katapusan...
Tila mga katawang-lupa lamang natin na muling babalik sa putikan.

Mapapagod subalit hindi susuko.
Masasaktan subalit muling babangon upang ayusin ang parteng gumuho.
Malulumbay subalit paulit-ulit na pipiliting sa labi ay iguhit ang matamis na ngiti.

Sino ang may sabing ikaw ay walang talento?
Hindi ba isang talento ang paulit-ulit na kulayan ang mundo mong miminsa'y nagkukulay-abo?
O kaya'y buuing muli ang parteng nawasak dahil sa ilang parteng inialay mo?

\
BRUHANGMEOW

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon