"𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐩𝐚𝐫𝐢𝐧, 𝐚𝐭 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐮𝐥𝐢𝐭-𝐮𝐥𝐢𝐭"
-----
Siguro nga'y nahihibang
Kahit tahasang ipagtulakan
Ikaw at ikaw pa rin ang uuwian.Hinubog ko na ang hinaharap nating dalawa
Ibinulong sa bahaghari na sana'y ikaw na talaga
Ayaw ko sa iba—
Dahil ikaw ang tahanang hanap nang noo'y ligaw kong kaluluwa.Maging araw at buwan man ang ating pagitan
O kaya'y gabi at umaga na walang tagpuan
Ikaw at ikaw pa rin—
Kahit paulit-ulit mo akong sukuan.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoesíaMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...