Kung lalapit ka
huwag mo ng ituloy.
Bukod sa nakakalula rito'y
Baka hindi ka rin marunong lumangoy.Ang makikita mo rito ay iisa.
Kapag paulit-ulit na lamang,
Paniguradong nakakapanawa na.Naligaw ka na ba sa gubat?
Nakasaksi ng baboy-damong handang manugod?
Sa karimlan ba'y natatakot ka o kaya kahit ang mag-isa?Ilang salapi na ang iyong nagasta—
Dahil sa sugal na nakakahalina?
Babaliwalain mo kaya ang iyong gutom,
Kung makakita ka ng batang mas gutom na gutom?Kung lalapit ka
huwag mo ng ituloy.
Bukod sa nakakalula rito'y
Baka hindi ka rin marunong lumangoy.KUNG LALAPIT KA
BRUHANGMEOW
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
ŞiirMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...