Kung Nasaan Nga Ba Ang Pag-ibig

84 5 0
                                    

Kailan natin pahahalagahan ang mga bagay na dapat ay pag-ukulan ng pansin?
Naghahanap ka ng pag-ibig subalit sa iyong paligid ay hindi mo makita ang pag-ibig nitong hatid.

Hinahamak ang maliliit at winawagayway pa lalo ang bandila ng kasakiman.
Ipinapakitang ikaw ay makapangyarihan dahil sa estadong iyong kinabibilangan, mga tambak ng salapi ang pinaniniwalaan imbes na ang tunay na kalagayan.

Kailan mo hahanapin ang pag-ibig na sarili mo lamang ang nakakaalam?


BRUHANGMEOW

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon