OKAY LANG

41 3 1
                                    

Huwag kang mag-alala kung ika'y nalulungkot. Handa akong bumili nang maraming panyo, upang punasan ang iyong matang luhaan. Handa kitang mahalin nang palihim kahit sagad mang masaktan. Handa kitang pangitiin bumalik lang ang kasiyahan. Handang sambitin ang 'OKAY LANG' yan. Lilipas rin ang sakit at tuluyan siyang malilimutan.

Kung hindi mo man kayang tumbasan ang pag-ibig na lantaran na kung ipakita sa harapan,
Hindi mo man kayang makita ang tagal ng panahong pananatili sa iyong likuran,
Hindi mo man madama ang bawat 'mahal kita' na aking ipinapaalala noon pa man, OKAY LANG.

Hayaan mo lang na mahalin kita kahit walang kapalit. Handa akong masaktan nang papikit. Kahit umiyak ako't humagulhol na tila paslit. Hayaan mo lang na alagaan kita kahit saglit. Dahil kung hindi talaga ako, OKAY LANG. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang sa panyo ay hindi mo na kailangan.

OKAY LANG
BRUHANGMEOW

Ang Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon