Paang nakataas.
Utak na nasa alapaap.
Ngiting hindi mapalis,
Iniisip ko na ika'y akap-akap.Nawalang bigla.
Namutawi sa gunita,
Mapait na tadhana.Tutol sila sa parehong binhi.
Nais nila iyong karugtong ng tadyang,
Hindi iyong parehong binunot sa balakang ni adan.Kasing bagsik ng agila ang pana ni kupida.
Kasing alab ng apoy ang hindi mapuknat nating mata.
Kasing dalisay ng tubig noon,
ang puso nating ayaw nang umahon.Subalit, ayaw nila sa parehong Eba.
May mali ba sa pusong nagsasalo sa parehong ligaya?—
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...