Naaalala kita. Parang gustong magsipulasan ng puso sa tuwina. Matagal na iyong pagkakagusto ko sa iyo, subalit sa bawat sandali ay sadyang tinatraydor ako ng sariling sistema. Mga bata pa lamang tayo'y alam kong imposible na. Ang taas mo'y tila tore subalit sa tuktok mo'y nahuhulog ako. Ang pagkahulog ko yata'y walang hanggan, dahil hanggang ngayo'y tila ka batingaw ng kampana sa simbahan.
Miminsang pumapasok ka sa aking panaginip. Ang lalim daw ng iyong pagtingin sa akin, nakakalunod. Naiinis ako at napapaisip, noon pa ma'y hindi tayo naging magkalapit subalit bakit sa panaginip ko'y lagi kang naroon at sa isip ay nanunuot. May nakapagsabi sa akin, na kapag napapanaginipan mo raw ang tao'y, nais kang makita nito.
Tanda mo pa ba? Kamakailan lamang tayo nagkita subalit wala akong makitang ningning sa iyong mga mata. Ah... Nakalimutan ko na. Bago na pala ngayon at nakatali na ang kamay ko't paa. Pakiwari ko'y dahil sa mga mali ko itong desisyon, kaya ang puso ko ngayo'y hungkag hangad ay proteksyon.
Mananatili ka sa puso't isipan. Dalangin ko'y makita mo ang taong nararapat sa dapat kong posisyon. Ah! Tama na! Nababaliw na ako sa kakaisip kung bakit kailangang umukilkil sa isip ang mukha mo't matamis na tawa.
Sana... Ang oras ay bumalik.
Ngunit alam kong imposible na.
Imposible na...BRUHANGMEOW
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...