Ni minsa'y hindi ko inisip na isa akong mabuting tao.
Mapagkumbaba marahil ay oo
Subalit, madalas na bato ang puso ko
Hindi dahil hindi kita maramdaman
Iyon ay dahil alam kong kalaunan—
Maglalaho rin iyan.Mababaw ang atraksyon na nararamdaman mo sa akin,
Wag mong itanong kung paano ko nasabi,
Sadyang tila libro ka—
Mabilis basahin.Sa ngayon alam kong iba na ang daang tinatahak mo,
Alam ko ring tinanggal mo na ang tali,
Na ikaw ang nagpresentang itali sa magkabilang paa natin.
Sa kadahilanang pakiwari mo'y—
Baka ito na iyon...
Ha! Ilang araw ang itinagal mo?Nakakatawang isipin na mas mahirap tanggalin ang tinik ng dahan-dahang lulon.
Isipin mong maigi,
Puso ang iyong ginamit o isip na tila nagbabasa ng interesanteng babasahin?B.M.
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...