Wika nila'y 'kalimutan mo na ang nakaraan.'
Tama nga naman.May pagkakataong ikaw ang nanakit — pero may dulot pa rin namang sakit.
Subalit paano kung ikaw ang nasaktan—
Mas malalim pa sa naisip mong kaganapan.Sinira niyon ang dating ikaw
Pinatay ang noo'y naglalagablab na ilaw
Tila ilang siglo mong ininda ang nakaraan—
Patuloy na nagsusumiksik sa karimlan at ayaq ng muling sindihan.Matapos niyon
Gigising kang muling may positibong pananaw
Subalit sa pagkakataong ito'y malamlam na ang ilaw.
Tila ka naging kalsada
Bawat kanto ay may babala.“Babala! Kung pulang watawat ka'y huwag ka ng tumuloy pa.”
“Bawal ang tumambay dito.”
O kaya'y
“Linisin mo ng maayos kung magkakalat ka.”Ganoon naman talaga. Hindi mo pa sila kilala—
Kaya paanong ang bilis mong mangumpara.
Hindi mo napapansin na sa ginagawa mo'y wala ng may dumaraan pa.Natatakot na—
Na baka sa susunod ay guguho kang bigla;
Dahil natatakot ka na.Sa isang banda'y sinubukan mong muli.
Sa pagkakataong ito'y mas sinindihan mo ng maigi ang ilaw
Subalit, ikaw pa rin iyong kalsada— iilan na lamang ang babalang makikita.
Natuto kang umurong at sumulong sa takot na baka mapaso sila.
Gayon din ang ginawa mo sa babala; ang iilan ay hindi mo ipinakita pa.Sa kabilang banda'y muli kang nasira.
Ang nais ng kabilang panig ay buong ariin ka. Hindi nakita ang punong natumba—
Sa pagmamadali niya; sa ilalim niyon ay naipit siya.Nauwi kang naguguluhan, nalulumbay at tuliro ang isipan.
Ano ba talaga?
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...