Sa itaas ng burol ay nagmumuni-muni
Nakapikit ang mata't
Awit ng mga ibo'y nagsisilbing musika
Ang banayad na halik ng hangin ay nakahahalina
Mga berdeng damo'y dulot ay ligaya
Nalulunod ang pusong lunod sa masasakit na alaala.Hindi maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan
Mula noong musmos pa lamang
Hanggang sa isipan ay namulat sa katotohanan
Tila baga kay bilis lumipas ng panahon
Sa isang iglap ay napalitan ng pagnanais na bumalik sa nakaraang panahon.Nais muling masilayan ang mga bituing nagniningning sa mga mata,
Marinig ang malulutong na mga tawa,
Masaktan sa sugat na dulot ng pagsasaya...
Mga bagay na hindi na magagawa—
Marahil sa edad kaya hindi na kaaya-aya.Ngayong mulat ka na't kailangang tatagan ang sistema,
Sana'y iyo pa ring gawing masayang alaala ang bawat makita't makakasama.BRUHA
BINABASA MO ANG
Ang Mga Tula
PoetryMga salitang kusang binibigkas ng isipan. [ Copyright © Keide Morena 2018-2023] All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in whole or in part, in any manner, without the prior written permission of the copyrig...